PULANG-PULA na ang ilong ni Sabrina sa kaiiyak that night pero hindi niya mapigilan. Kerkie came to talk to her about them. He loves her! She knew that. Nakita ng isang kasambahay nila ang kahon ng letters na iniwan niya sa unit nito kanina. He read the letters and he wanted to give it a shot. The shot she blew away. Ang tanga-tanga niya, ilang beses na ba sinabi ng mga kaibigan na ipaalam niya? Pero ano? Wala siyang ginawa hanggang malaman nito ang lahat.
Galit ito sa kanya, no stratch that, he was very mad at her. Lalong hindi na niya alam ang gagawin. Pagkatapos ng eksena kanina pumanik na siya sa kuwarto ng kambal. Tumabi siya at niyakap ang mga bata. She hope this will pass. Ayaw niya pag-agawan nila ang custody ng mga mata.
Nang gumalaw si Nathan at siniksik ang sarili sa kanya ay napaluha na na man siya. Mahal na mahal niya ang mga bata. Hindi niya hahayaan na maipit ang mga ito sa gulo nila.
Kinabukasan, mas pinili muna niya bigyan ng oras si Kerkie. Magbabago pa naman ang desisyon nito. Mga alas-kuwatro na ng hapon nang makatanggap siya ng sobre na nagsasabi na gusto ni Kerk ng sole custody sa mga bata. Naalarma siya. Ang bilis naman. Puwede naman nila pag-usapan iyon.
Hindi na nagsayang ng panahon si Sabrina at kakausap niya ito. Aayusin nila iyon para walang mahirapan sa kanila. Pumunta siya sa bahay ng mga ito pero hindi pa diumano ito nauwe doon. Alam niya na nasa unit nito ang lalaki kung wala sa bahay ng mga ito. Wala siyang naabutan na tao sa unit nito pero bukas iyon. Pumasok na lang siya at doon naghintay. Hindi puwede na hindi nila ayusin agad iyon. Hindi siya matatahimik kasi baka bukas makalawa magulat na lang siya nasa korte na iyon. Ayaw na niya umabot sa ganoon.
It was past 6pm, kaya nagluto siya para kay Kerkie. She used to be with him in that place. Kaya kabisado niya bawat sulok doon. Umabot na ng 7pm pero wala pa din ito. Kapag 9pm at wala pa ito ay uuwe na siya. Hindi nakakatulog ang isa sa kambal pagwala pa siya.
It was quarter to 9pm nang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang makita ang mga kaibigan ni Kerkie. Hindi niya masyadong kilala ang mga ito dahil hindi ito personal na pinakilala ng lalaki pero kilala kasi ang mga ito sa unibersidad nila doon.
Mabilis na nilapitan niya si Kerkie na tila lango sa alak. Tumulong siya sa pagpasok sa kuwarto nito. Bakit ito naglasing?
"What happen? Bakit hinayaan n'yo maglasing ng ganito si Kerkie?"
Tumingin iyong Daniel sa kanya, nakita niya ang panunumbat sa mga mata nito. Nag-iwaa siya ng tingin. Bigla ay nahiya siya. Nang magsalita iyong Wade, she frozed.
"Why do you hid the child, Sab? Karapatan ni Kerkie malaman ang tungkol sa anak n'yo." may panunumbat sa tono nito.
She felt the guilt and hurt. It was her fault. All of these. "'Yon ang dahilan kung bakit naglasing siya?" Bumuntong- hininga siya at hinaplos ang buhok ni Kerkie. Nasasaktan na naman ito dahil sa kanya. "I didn't want to hid then from him. Hindi talaga." Mabilis na inalis niya ang mga luha. "Salamat sa inyo. Ako ng bahala sa kanya."
"Take care of him, Sab. Please." ani Daniel saka lumabas.
She felt her heavy heart. Lalong bumigat iyon ng magsalita si Wade. Hindi pa pala umaalis ito.
"Hindi ko alam kung bakit mo nagawa itago ang anak n'yo sa kanya, Sab. Pero sana naman ay huwag mo siya idamay sa kung ano ang nangyari sa nakaraan ng mga magulang ninyo. Wala siyang kasalanan, Sab. Kung may ginawa man siyang mali. Sa tingin ko ay iyong minahal ka niya."
Totoo ang sinabi nito. Siya nga ang mali sa buhay ng lalaki. Ang mahalin siya.
"I know, that's his biggest mistake." she felt defeated. Hindi na niya dapat ilaban iyong sa kanila nito. Ang mga bata na lang siguro ang dapat isipin niya.
Nang umalis din ito ay napahagulgol na lang siya. Kerkie was broken again. Ito ay kasalanan na naman niya. Nang gumalaw ito ay nilingon niya ito.
He was calling her name. Mabilis na pumantay siya at hinaplos ang pisngi nito.
"Sshhh... I'm not going anywhere. " she assured.
"Why are you here? Why are you doing these?" He mumbled.
"I pain you over and over again. Sorry..." Namamaos niyang sabi. "Hindi ko naman gusto umabot sa ganito. Whatever I do I always end up hurting you."
"Do you love me?" Tingin niya ay nananaginip ito. "Because I always do."
"More than anything. Kayo ng mga bata ang buhay ko." Sinserong sabi niya. That is all true. Ito at ang mga bata ang tanging kaligayahan niya. Dahil sa naging makasarili siya kaya dito sila dinalang dalawa.
Hinatak nito ang braso niya at pumailalim siya sa mga bisig nito. He kissed her fully on the lips. She obliged and kissed him with the same intensity. She tasted the bitterness of the liquor but she doesn't care. Wala siyang pakialam kung magalit ulit ito bukas o ipagtabuyan siya. Ang mahalaga kasama niya ito. Kahit sa gabi man lang na ito ay maramdaman niya ulit na mahal siya ng lalaki.
Walang hirap na hinubad nila ang damit ng isa't-isa. Now, she was naked all over. She caressed the angel wings on his back. She loved his tattoo... She loved everything about him. Just like before, bawat haplos, halik at dantay ng dila nito sa balat niya ay nagbibigay nang kakaibang kilabot sa pagkatao niya. Kerkie takes her with so much tenderness.
Hindi na muna siya mag-iisip. Bahala na basta ang mahalaga mahal niya si Kerkie. Handa na siya sa lahat ng mga susunod na pangyayare.
Handa nga ba talaga siya?
***
NAGISING si Sabrina nang marinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Nagkusot siya ng mga mata at mabilis na hinatak ang comforter na tanging nakabalot sa katawan niya.
Tumingin siya sa orasan, alas-nuwebe na pala ng umaga. Kailangan na niya pumasok sa opisina. Nang maalala niya si Nathan baka umiyak na naman iyon ng hindi siya makita. Mabilis na pinulot niya ang mga damit sa sahig nang bumukas ang pinto ng shower.
Nilabas noon si Kerkie na tanging tuwalya lang sa ibabang bahagi ang nakatakip. Basa pa ang buhok nito at may mga butil ng tubig sa katawan nito. Napalunok siya nang makita na nakatingin din ito sa kanya. She felt nervous. Hindi niya alam kung paano haharapin ito pagkatapos kagabi.
"Kerkie... " she can't say any word.
"Get up, we need to talk." Malamig na sabi nito at tinalikuran siya. Lumabas ito at naiwan siya doon mag-isa with heavy weight in her heart.
Napabuntong-hininga siya at mabilis na nag-shower. Pagkalabas niya sa silid ay naabutan niya ito sa kusina na nagtitimpla ng kape. May omelette na rin itong luto. Nang maramdaman siguro nito ang bigat ng titig niya ay lumingon ito sa kanya.
Lumapit siya at umupo sa high stool. Nilapag nito sa harap niya ang hotdog at omelette. Napangiti siya nang makita ang tinimpla nito para sa kanya. Hot chocolate, her favorite.
"I want my children to know me." Anas nito.
Nag-angat siya ng tingin. "Of course, Kerkie. Sasabihin ko sa mga bata na ikaw ang ama nila. Hindi ko sila ipagdadamot."
Tumaas ang isang kilay nito. "And the sole custody of them. I want them for myself only, Lastimosa."
His words hurt her. Tila sinuntok siya sa sikmura nito sa sinabi. Napatayo siya. "Hindi puwede ang gusto mo. Hindi ako papayag." Protesta niya.
"Gusto mo gamitin ko ang mga koneksyon ko, ganon ba?" Matiim na sabi nito.
Isipin lang niya na hindi niya makikita ang mga bata ay magagaliw na siya. She broke down. She can't lost her babies. Wala na nga ito sa kanya pati ba naman ang mga anak nila.
Alam niya na may laban siya but Nash Kerkie Hernandez can do everything. Isa ito sa multi-millionaire ng bansa, shareholder ito ng iba't-ibang kompanya. Dagdag pang kaibigan nito si Dunhill Mondragon-- he was sought of the powerful individual in the country. His friends are powerful too, Daniel came from the politician clan while Wade is a very good lawyer. Hindi niya isusugal ang laban na hindi niya alam kung mananalo siya.
"Kerkie, I know you hate me at siguro ayaw mo na rin ako makita pero huwag naman ganito." She wiped.
Saglit na nagka-emosyon ang mga mata nito.
"I'll do everything para hindi lang sila mawala sa'kin. Kailangan nila ko...so please don't do this. We can share the kids. Huwag ganito." Halos pagmamakaawa niya.
"Do everything, huh?"
Tumango siya.
"I want you still, Sabrina. But this time, you can't expect anything from me." May laman bawat salita na binitawan nito sa kanya. "No love, no anything... just purely pleasure... My terms. My rules only."
Nang tignan niya ito ay para na itong ibang tao. Right there and then, the Nash Kerkie she loved all this time is gone. Bumilis ang paghinga niya sa takot ba ay hindi niya alam.
"I need your decision right now." tila naiinip na sabi nito.
Napalunok siya. She can deal with it? But at the end, she sighed and nodded.
"Anything you want, Kerkie. Anything... "
She hope she made the right decision. This time sana ay hindi na siya magkamali.