Chapter 7 – The Devil’s Drink

2716 Words
“YOU ARE both invited to my company’s anniversary party,” saad ni Joel. Nasa His Vineyard sila ng oras na iyon. Nagyaya si PJ na ililibre sila ng lunch kaya hindi na rin nakatanggi si Kentt. “Kailan naman iyang party mo?” tanong ni PJ. “Two days from now,” sagot ni Joel. “Pass ako diyan. Alam naman ninyong hindi ako mahilig sa party. Babantayan ko na lang si Cherryl kaysa um-attend ng party,” walang alinlangang sagot ni Kentt. Sumeryoso ang mukha ni Joel. “Ayan ka na naman, Kentt. Lagi na lang sina Candy at Cheryl ang inaalala mo. Isipin mo rin naman ang sarili mo. Kailan mo ba bibigyan ng pagkakataon ang sarili mo na lumigaya? Tumatanda na tayo, bro.” Napaismid si PJ. “Wow! Kung makapagsalita ka, Joel parang ang saya ng buhay mo, ah. Pareho lang naman kayo ni Kentt na problemado sa lovelife,” napapailing na saad nito. “Si Joel lang iyon. Okay na ako. Masaya na ako kina Candy at Cheryl. Hindi naman ako naghahanap ng iba,” depensa ni Kentt. Napakamot ng kanyang batok si Joel. “Hinihintay ko si Miss Right. Pero mas malala si Kentt kasi pakiramdam niya si Candy ang Miss Right niya. Kaya lang alam naman natin ang totoo na siya lang ang naghahabol dahil hindi siya talaga mahal ng hilaw niyang asawa.” Napabuga ng hangin si Kentt. “Puwede ba, Joel, itikom mo nga iyang bunganga mo. Huwag na nga lang kayong mangialam sa buhay ko, hindi ko rin naman kayo pinapakialaman, ah.” Napipikon na siya sa dalawa niyang kaibigan kaya gano’n na ang dayalog niya. “Uy, Joel! Narinig mo ba ang sinabi ng kaibigan natin? Huwag na raw tayong mangialam sa personal niyang buhay. Malaki na siya para pagsabihan pa at turuan kung ano ang dapat niyang gawin,” sabad ni PJ. “Okay, wala na akong sinabi.” Itinaas ni Joel ang dalawa nitong kamay. “Pero sana makarating kayo ni PJ. Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung sa mahahalagang araw ng buhay ko ay wala kayong dalawa.” Hindi umimik si Kentt. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi talaga siya mahilig sa party. Isa pa’y hindi niya gustong iwan si Cheryl sa gabi kahit pa may yaya ito. Late na rin kasi kung umuuwi si Cindy. Kaya madalas naiiwan ang bata sa yaya nito sa maghapon pati na sa gabi. Maghapon din naman kasi siya sa ospital at minsan late na rin siyang umuwi kapag gabi. Pero kung wala din naman siyang ooperahan o meeting ay mas gugustuhin na niyang umuwi pagkatapos ng shift niya para makasama ang bata. “O, hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo? Ayaw mo pa ring pumunta sa party ni Joel?” usisa ni PJ nang naglalakad sila palabas ng restaurant. Nauna nang lumabas si Joel dahil may meeting pa raw itong hahabulin. “Sinabi ko naman sa iyo, hindi ba? Busy ako maghapon kaya gabi ko lang nakakasama si Cheryl. Kawawa naman iyong bata kung iiwan ko pa rin siya sa yaya niya kahit sa gabi,” pagdadahilan ni Kentt. “Wow! Bilib na talaga ako sa pagiging devoted husband and father mo. Pero hindi naman araw-araw ay may party si Joel. Pagbigyan na natin siya. Isang gabi lang naman. Kasama mo naman ako. Kung mapipilit ko si Helena na sumama sa akin, much better. Baka gusto rin ni Candy na samahan ka.” Marahas na umiling si Kentt. “Hindi iyon sasama. Ayaw rin niya sa mga party gaya ko. Saka may trabaho siya.” “Kung gano’n, Ikaw na lang ang pumunta. Pupunta rin ako. Hindi ko na lang isasama si Helena para pareho tayong single sa gabing iyon. Ayos ba? Baka magtampo kasi si Joel sa atin. Bihira na nga lang tayong magkakasama kaya pagbigyan na natin siya.” Wala nang nagawa si Kentt kung hindi ang tumango na lang. Tama si PJ. Magkakaibigan naman sila nina Joel simula pa noong mga bata sila kaya dapat suportahan nila ang bawat isa. Hindi man siya sinuportahan ng dalawa noong pakasalan niya si Candy, at least hindi naman sila kumontra. Neutral lang ang rekasyon ng mga kaibigan niya. Pero kung tutuusin, puwede siyang pigilan ng dalawa katulad nang pagpigil ng mga magulang niya. Kaya lang hindi nila ginawa. Hinayaan siya ng mga ito sa sarili niyang desisyon. “DADDY, where are you going?” Niyuko ni Kentt si Cherryl na nakakapit sa kanyang hita. “I have to go somewhere, baby. But don’t worry, I’ll be back early,” sagot niya nang ilapit ang mukha sa bata. “Can I come with you, daddy?” Umiling si Kentt. “No, baby. I’m sorry but young kids like you are not allowed to come.” Napalabi ang bata. Parang maiiyak na ito. Agad namang lumuhod si Kentt at pinagpantay ang mukha nila ng bata. Tuluyan na nga itong umiyak. “Don’t cry, baby.” Pinahid ni Kentt ang luhang umagos sa pisngi nito. “Next time, I’ll bring you with me. Promise.’ Itinaas pa ni Kentt ang kanang kamay niya. Yumakap na lang si Cherryl sa kanya. Pagkatapos na ipagbilin ni Kentt ang bata sa yaya nito, nagpaalam na siyang aalis. Pagdating niya sa parking area ng Glorious Hotel ay punong-puno na ng sasakyan ang lugar. Mukhang maraming bisita si Joel sa party nito. Hindi na siya magtataka dahil sikat na businessman ang kaibigan niya. Baka nga nandito rin ang iba pa nilang kakilala ni PJ. Kapapasok pa lang niya sa ballroom ng hotel nang salubungin siya ni PJ. “Hey! At last, nakarating ka rin. Akala ko talaga, hindi ka na magpapakita,” nakangiting bati nito nang kamayan siya. “Puwede ba namang hindi ako pupunta ngayon. Nangako ako sa iyo, hindi ba? Saka inaasahan tayo ni Joel kaya hindi ko siya puwedeng biguin,” depensa ni Kentt. “Okay. Sinabi mo iyan, ha?” Tinapik siya sa balikat ni PJ. “Halika na. Nandito ang mga Team K and R saka iyong mga kaibigan nina Railey at Phoenix.” Sinundan na rin ni Kentt ang kaibigan niya. Nadtanan nga niya sa isang mesa ang mga kaibigan nila at business partner din. Kauupo pa lang ni Kentt ay siya namang pagtayo ni Jak. “Hey, guys! Kompleto na ba tayo? O may darating pang iba?” tanong nito. Napatingin sila sa isa’t isa. “Bakit mo naman tinatanong iyan?” usisa ni Railey. “Gusto ko lang naman makasiguro na nandito tayong lahat na magkakaibigan. May regalo kasi ako sa inyo.” Itinaas ni Jak ang isang bote ng alak. Napansin ni Kentt na napangiwi sina MJ at Andrei. Napailing naman sina Enzo, Chris, at Josh. Ano kaya ang problema ng mga ito? Alam niyang malapit na magkakaibigan ang mga ito. Katulad din ng pagkakaibigan na mayroon sila nina PJ at Joel. “Bakit ka pa nagdala ng alak? Marami naman dito niyan, ah. Uminom kayo hanggang gusto ninyo. Sky is the limit,” pagyayabang ni Joel. “Well, ang pagbibigyan ko lang naman ng alak ay iyong mga single na tulad mo. Puwede rin namang tumikim ang mga problemado sa mga asawa nila tulad ko. Samahan naman ninyo ako sa kalungkutan ko. Sana damayan ninyo ako sa aking problema,” nagmamakaawang pakiusap ni Jak. Tinablan agad si Kentt sa sinabi nito. Nagsalin si Jak ng alak sa mga shot glass. Nang abutan siya nito ng isa ay hindi na siya tumanggi lalo na nang mapansin niyang binigyan din nito pati si PJ. Bukod sa kanila, uminom din sina Joel, Chris, Josh, Jerome, Levi, Carlo, Lexter, Archie, at Dexter. Samantalang ang iba pang naroon ay tumanggi na. Ang nangyari tuloy ay nakarami ng shot ang ilan sa kanila. Nakatatlong shot din siya bago tumanggi. Kaya ang natitirang laman ng bote ay nilaklak na lang ni Jak. Paano nga namang hindi siya tatanggi? Ang init na ng pakiramdam niya. Para na siyang lalagnatin kahit tatlong tatlong shot pa lang ng alak ang nainom niya. Aminado naman siya na hindi mahilig uminom ng alak dahil sa trabaho niya bilang surgeon. Pero ibang klase ang alak na dala ni Jak, sobrang init sa pakiramdam. “Excuse me, sa banyo lang muna ako.” Tumayo na si Kentt. Hindi na niya hinintay na may umimik pa sa mga kasama niya sa mesa. Dumiretso siya sa banyo. Umihi muna siya pagkatapos ay naghilamos. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya. Ang init pa rin ng buong katawan niya. Parang gusto na niyang mag-shower nang malamig. Kaya lang hindi naman siya puwedeng maligo rito kahit na may shower pa. Wala siyang dalang bihisan. Isa pa’y baka kantiyawan siya ng mga kasama nila sa mesa kapag nagtagal siya rito sa banyo. Baka hindi lang kantiyaw ang aabutin niya sa kanila. Baka pagtawanan pa siya. Iisipin nilang hindi siya sanay na uminom kaya nag-iinit ang katawan niya kahit tatlong shot pa lang ang nainom niya. Ayaw na ayaw niyang binibiro siya ng gano’n. Naiinsulto siya. Ayaw niyang isipin ng mga kakilala niya na mahina siya. Mamaya ay pag-isipan pa siya na hindi tunay na lalaki, lalong nakakainsulto iyon. Lalaki siya pero hindi nga lang kasing-brusko ng mga kaibigan niya. Medyo pino lang siyang kumilos dahil parehong babae ang mga kapatid niya. Bukod pa sa katotohanang sakitin siya noong bata kaya inalagaan siya nang husto ng mga magulang niya. Sa sobrang pag-aalaga nga sa kanya ay lumaki na siyang medyo malamya kung kumilos. Nagmumukha na siyang lampa. Kung hindi pa siya nagpumilit na mag-aral sa London noong college siya ay baka tuluyan na siyang naging lampa dahil lagi na lang nakabuntot ang yaya at driver niya sa kanya saan man siya magpunta. “O, bakit ang tagal mo yata sa banyo, ha?” sita ni Enzo nang bumalik siya. “Naiinitan kasi ako. Ito yata ang problema sa mga hindi sanay uminom ng alak. Kahit kaunti pa lang ang nainom ko ay iba na ang epekto sa katawan ko,” paglilinaw ni Kentt. Bumalik na siya sa upuan niya. Napansin niya nawawala na ang iba nilang kasama sa mesa. Maging si PJ ay wala na rin. Ganoon na ba siya katagal sa banyo para mainip ang mga kasama nila at nagsitayuan na? “Bakit ka ba kasi uminom nang marami kung hindi ka naman pala sanay na maglasing?” sita ni Erik sa kanya. Nakaupo ito sa mismong tapat niya. “Bakit mo ba kasi tinanggap iyong ibinigay ni Jak? Hindi ka naman pala mahilig uminom.” Sinisisi pa siya ngayon ni MJ. “Nahiya naman kasi ako sa kanya. Magkakaibigan naman tayo kaya pinagbigyan ko na lang siya,” katuwiran ni Kentt. “Minsan, hindi rin Maganda ang masyadong mabait at mapagbigay. Dapat alam mo iyon dahil CEO ka na rin ng Bonifacio Group of Companies,” paalala ni Railey. “Hindi naman business deal ang pinag-uusapan natin, ah. Magkakaibigan tayo kaya dapat lang na magdamay tayo katulad ng gustong mangyari ni Jak,” depensa ni Kentt. Napabuga ng hangin si Andrei na nakaupo lang sa tabi niya. “Hindi sa lahat ng oras, puwede mong sabihin iyan. Alam mo ba kung anong laman ng alak na ipinainom sa inyo ni Jak?” tanong nito. “Hindi. Bakit anong klaseng alak ba iyon?” curious na tanong ni Kentt. May kakaiba ba sa alak na ininom nila? “May halong aphrodisiac iyong alak na dala ni Jak. Minsan na rin akong nakainom at talaga namang uminit ang buong katawan ko. Tanging babae lang ang makakapawi ng init na nararamdaman mo ngayon,” paliwanag ni Andrei. Kulang na lang ay malaglag si Kentt sa kinauupuan niya. Nadisgrasya na! Anong gagawin niya para maibsan ang init sa katawan niya? Hindi siya puwedeng mambabae. Hindi niya puwedeng gawin iyon kay Candy. Siguradong masasaktan ito kapag malaman nitong may ibang babae siya. What’s even worse is that she might leave him! Hindi puwedeng mangyari iyon. Ayaw niyang mawalay sa asawa niya at sa anak nila. Paano na lang siya kapag nawala ang mag-ina niya? Kaya niyang tiisin ang lahat, huwag lang mawala ang mag-ina niya. “I can’t do that. Hindi puwedeng mambabae ako. Mag-aaway kami ng asawa ko.” Nagpalatak si MJ. “Kung ayaw mong maghanap ng babae rito, umuwi ka na lang. Ibaling mo na lang sa asawa mo iyang init na nararamdaman mo,” payo nito. Nanghihinang napasulyap si Kentt sa suot niyang relo. Alas-diyes pa lang ng gabi. Mamayang alas-onse pa ang uwi ni Candy mula sa trabaho nito bilang hotel manager. “Wala ang asawa ko ngayon sa bahay namin. Mamayang eleven pa ang uwi niya. Malamang hatinggabi na rin siya makakarating sa bahay,” Nagkatinginan sina MJ at Andrei saka sabay na napailing. “Bro, hindi ka na aabot ng alas-onse. Ilang minuto lang ang lilipas, mawawala ka na sa sarili mo. Hindi ka na namin mapipigilan kung saka-sakaling makadisgrasya ka ng babae rito,” paalala ni Andrei. Napipi si Kentt sa kanyang narinig. Parang gumuho ang mundo niya sa sinabi ni Andrei. Buong buhay niya ay hindi niya nasubukang manloko ng tao, sa trabaho man o sa negosyo. Pinakahuling tao na rin na lolokohin niya si Candy dahil mahal niya ito. Para na rin niyang sinira ang pamilya niya kapag nambabae siya. Patutunayan lang niya sa mga magulang niya na tama sila, hindi sapat si Candy para maging maligaya siya. Hindi niya gustong mangyari iyon. “Is there any other way to heal aside from having s*x?” kinakabahang tanong niya. Sabay-sabay na napailing sina Erik, Railey, MJ, at Andrei. Damn! He is doomed! Nramdaman niyang lalong nag-iinit ang katawan niya. Pinagpapawisan na siya nang malapot. Napilitan siyang tumayo. “Saan ka pupunta?” May pag-aalalang tanong ni MJ. “Aalis na ako. I can’t stay here any longer.” Baka dito pa siya abutan ng sinasabi nilang pag-blackout niya. Mas mabuting sa labas na lang. Bahala na kung hindi siya aabot sa bahay nila. Basta kailangan niyang makaalis na. “Hey! Ingat ka lalo na sa pagda-drive,” paalala ni Andrei. Tumango na lang siya. “Pakisabi na lang kay Joel at kay PJ na aalis na ako.” Tuluyan na niyang iniwan ang mga kaibigan. Nakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman niyang para siyang nagliliyab. Pinilit niyang makarating sa elevator. Napahinto siya sa paglalakad nang mapansin ang isang babae na nakakapit sa waiter. Humarang siya sa daraanan ng dalawa. “Excuse me,” saad niya nang nasa harapan na siya ng mga ito. Napalingon sa kanya ang babae. Nahigit niya ang kanyang hininga nang matitigan ang mukha nito. She looks so beautiful and…innocent. Namumula ang pisngi nito at namumungay ang mga mata. Mukhang nakainom ito. Pero nakapagtatakang sa waiter ito sumama gayong nakasuot naman ito ng party gown. Tinangay ba ito ng waiter o kusang sumama rito? Ilang segundong nagkatitigan sila ng magandang babae bago ito pumikit. Hindi siguro inaasahan ng waiter ang nangyari kaya nakabitiw ang babae. Mukhang babagsak na ito sa sahig kaya mabilis niyang sinalo. “I’ll take care of her,” wika niya at inayos sa pagkakakarga ang babae. Kahit paano ay nakalimutan niya ang mainit na pakiramdaman niya. “Sir, sorry po pero…” “Sinabi ko na ngang ako na ang bahala sa kanya!” singhal niya sa waiter. “Pero sir kasi…” Inilagay ni Kentt ang babae sa kanyang balikat. Magaan lang ito at hidni naman siya nahirapan. Kinapa niya ang kanyang wallet at kinuha ang lahat ng cash niya rito saka inabot sa waiter. “Kunin mo na ito. Wala kang nakita o narinig.” Namilog ang mga mata ng waiter. Mabilis nitong kinuha ang pera saka iniwan sila. Eksakto namang bumukas na ang elevator kaya pumasok na siya. Pagdating niya sa parking lot ay ipinasok niya ang babae sa backseat. Mabilis siyang nagmaneho at huminto sa pinakamalapit na motel. Nag-check in siya. Nang makapasok siya sa kuwarto ay ibinaba niya agad ang babae sa kama. “I’m sorry, baby girl. But I need your help,” wika niya habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng babae. Mabilis niyang hinubad ang lahat ng suot niya. Pagkatapos ay hinubaran din niya ang babae. Wala siyang itinirang saplot nito sa katawan. Tuluyan na siyang nademonyo nang makita ang alindog ng babaeng mahimbing na natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD