bc

My Secret Lover

book_age18+
459
FOLLOW
6.4K
READ
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Nakatakdang ikasal si Leamor sa lalaking pinili ng mag-asawang umampon sa kanya. Pero bago dumating ang araw ng kasal ay tumakas siya. Napadpad siya sa Manila at napilitang maghanap ng trabaho para buhayin ang sarili. Pinalad naman siyang makapasok bilang intern sa isang manufacturing company na nag-e-export ng mga banana products. Unang araw pa lang niya sa trabaho nang aksidenteng madulas siya sa harapan ng isang lalaki. Tumaas pa ang suot niyang bestida kaya nakita ang suot niyang underwear. Naiinis siya dahil hindi man lang siya tinulungan ng lalaki na makatayo. Sa buwisit ni Leamor ay minura niya ang lalaki.

"Bastos ka, ah! Guwapo ka nga, wala namang modo! Mabulag sana iyang mata mo!" litanya niya bago niya ito tinalikuran. Pagdating niya sa opisina kung saan siya papasok ay inutusan siya agad ng boss niya na magtimpla ng kape at dalhin ito sa opisina ng CEO. Agad naman siyang sumunod. Pero laking gulat niya nang madatnan ang lalaking inaway niya na nakaupo roon.

Oh no! Gusto niyang hilingin na sana lumubog na lang siya sa kinatatayuan niya o kaya'y lamunin siya ng lupa. Pero mas nagulat siya sa sinabi nito.

"You are an intern, right? Can you be my secretary for the day?"

Tango lang ang naisagot niya pero sana naglakas loob siyang tumanggi dahil dito na pala magsisimula ang masalimuot niyang love story. Ang pinakamalala nito ay hindi niya napigilan ang sariling ma-in love rito. Mahal din naman siya ni Joel. Pero ipinagbabawal sa kompanya ang makipagrelasyon sa kapwa empleyado. Kaya naging lihim ang kanilang relasyon. Gusto sana niyang mag-resign pero ayaw pumayag ni Joel. Mas nadagdagan pa ang problema niya nang dumating ang ex-girlfriend nito at gustong makipagbalikan sa boss niya. Gusto sana niyang ipaglaban ang pagmamahal niya rito ngunit tutol sa relasyon nila ang lahat ng nakapaligid sa kanila kahit ang mga magulang nito. Lalo siyang pinanghinaan nang malaman niyang ikakasal na ang nobyo niya sa ex nito. Inamin nitong business deal lang ang kasalang magaganap at mananatili pa rin ang kanilang lihim na relasyon. Papayag ba siyang maging kabit na lang? O palalayain na niya si Joel kahit masakit sa kanya dahil iyon ang tama at mabuti?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
KAUUPO pa lang ni Leamor sa toilet bowl nang marinig niya ang mga yabag ng mga kapapasok sa comfort room ng kanilang opisina. “Mars, alam mo na ba ang latest dito sa opisina?” “Huh? May tsismis? Ano iyon? Wala akong alam, ah.” “Si Boss Joel daw, ikakasal na” “Oh! Talaga? Kanino naman? Wala naman siyang girlfriend, hindi ba?” “Kay Ma’am Marga daw. Iyong dati niyang girlfriend na nagpunta ng Canada pero kailan lang ay bumalik ng Pinas.” “Ah, gano’n.” Nabitin sa ere ang kamay ni Leamor. Balak sana niyang hawakan ang flush ng toilet bowl. Pero nang marinig niya ang usapan ng mga bagong dating ay bigla niyang ibinaba ang kamay. Napapikit siya nang mariin. Nagmulat lang siya nang muling makarinig ng usapan. “Mahal siguro talaga ni boss ang ex niya. Imagine, iniwan na siya noon tapos nang magbalik ay tinanggap pa rin niya. Ngayon ikakasal na sila. Ang swerte rin ni Ma'am Marga sa kanya.” “Sinabi mo pa. Kaya kung ako si Ma’am Marga, hindi ko na iiwan pa si boss. Bihira na lang ang lalaking katulad niya. Saka good catch si boss, ah. Guwapo na nga, mayaman pa at mukhang masarap.” Napahagikgik pa ang babae. “Loka-loka! Ano bang masarap na sinasabi mo diyan? Bakit natikman mo na ba siya?” Nanlambot ang mga tuhod ni Leamor sa kanyang narinig. Parang ayaw na niyang makinig sa usapan ng dalawa. Pero hindi naman niya alam kung paano makalalabas sa cubicle. Sigurado kasi siya na kilala siya ng dalawang babae. Secretary siya ng pinag-uusapan nilang boss. “Hindi pa. Wish ko lang. Kung sakali mang mangyari iyon, dream come true iyon sa akin. Payag akong maging kabit niya. Okay lang kahit anakan pa niya ako. Pangarap ko kasing makarating ng langit kasama siya.” Humalakhak pa ang babae. Gustong magtakip ng kanyang tainga ni Leamor. Sumasakit na ang kanyang dibdib sa naririnig. “Gaga! Pati rin pala ikaw, pinapantasya mo si boss!” “Ay! Mars, pareho pala tayong pinagnanasaan si boss! Akala ko, ako lang! Ang hirap naman kasi niyang lapitan. Hindi siya namamansin. Kung makapasok lang sana ako sa mismong opisina niya, hindi ko hahayaang walang mangyari sa amin. Okay na sa akin kahit minsan lang, basta matikman ko lang siya. Pero kung gagawin niya akong kabit niya, iiwan ko agad si Leon. Sawa na ako sa kanya. Gusto ko naman ng bago.” Muling humalakhak ang babae. Halos maduwal si Leamor sa narinig na pinagsasabi ng dalawang babae. “Wow! Grabe ka naman! Sabagay, malayong guwapo naman si boss kaysa sa boyfriend mong mukhang nerd. Utak lang yata niya ang malaki pero iyong kargada niya maliit.” “Hoy! Grabe ka ring manlait! Hindi naman masyadong maliit iyong alaga ni Leon. Size five naman siya saka masarap din siyang kumain. Tumitirik nga nang husto ang mga mata ko kapag kinakain niya ako.” “Talaga? Magaling kumain si Leon?” “Oo nga. Kung gusto mo, ipahiram ko muna siya sa iyo ng isang gabi para matikman mo rin.” “O, sige, sige. Payag ako diyan. Tutal wala naman akong dyowa ngayon.” “Okay pag-usapan natin iyan mamaya. Mag-CR muna tayo. Kanina pa sumasakit ang pantog ko.” Tuluyan nang nasuka si Leamor. Hindi na talaga kinaya ng dibdib niya ang naririnig. Ngunit siniguro niyang nakaalis na ang dalawa nang lumabas siya sa cubicle. Pagkatapos niyang maghugas ng kamay ay nagmamadali siyang bumalik sa kanyang mesa. Ilang minuto rin siyang nakatulala sa harapan ng kanyang laptop. Pilit na ipinoproseso ng kanyang utak ang narinig na usapan sa CR. Ngunit napapitlag siya nang marinig na tumunog ang telepono sa kanyang mesa. Pag-angat niya ng telepono ay bumungad ang pamilyar na tinig sa kanya. “Leamor, tapos na ba iyong ipinapagawa ko sa iyong report?” “Ah, y-yes, sir.” “Dalhin mo na rito sa loob para makita ko. “ “S-sige po.” Bago pa makapagpaalam si Leamor ay nawala na sa linya ang boss niya. Ibinaba niya ang telepono saka hinanap ang report na hinihingi ng kanyang boss. Nang makita niya ito ay tumayo na siya. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya pinihit ang doorknob. Nang pumasok siya ay naabutan niya ang kanyang boss na nakatutok sa laptop nito. Lumapit siya rito. “Sir, nandito na po ang report na ipinagawa ninyo.” “Pakibaba na lang diyan,” utos nito nang hindi man lang siya nililingon. Napangiti nang mapait si Leamor. Nagbago na talaga siya. “Sir, puwede po bang makausap kayo kahit sandali lang.” Hindi pa rin tumingin sa kanya ang boss niya. “Can’t you see that I’m busy, Miss Manlutac. We’ll talk later.” Napakagat ng kanyang labi si Leamor. It’s now or never. Speak now or forever hold your peace. “Sir…totoo po bang ikakasal na kayo ni…Ma’am Marga?” Halos hindi mabigkas ni Leamor ang katagang iyon. Sa pagkakataong iyon ay tinapunan na rin siya ng tingin ng boss niya. “I said, we’ll talk later.” Napangiwi si Leamor. “Hindi naman ninyo sinagot ang tanong ko. Gusto ko lang malaman kung totoo ang narinig ko o tsismis lang,” pangungulit niya. Gusto niyang marinig ang sagot nito ngayon. Hindi iyong umiiwas pa ito. Napahilamos ng kanyang mukha ang kanyang boss. “Saan mo naman narinig iyan, ha?” Sa halip na sagutin ang tanong ng boss niya, iba ang lumabas sa bibig ni Leamor. “Kung totoo man iyon, paano na ako? Paano na tayo? Hihiwalayan mo na ba ako?” Napabuntunghininga ang kanyang boss. Pero nakatingin lang sa kanya. Pinilit naman niyang sinalubong ang titig nito. “My marriage to Marga will just be a business deal. Puwede pa rin nating ituloy kung ano ang mayroon tayo. Alam mo naman na hindi puwedeng mabunyag ang relasyon natin. Hindi mo naman gugustuhin na matanggal ako bilang CEO ng kompanya dahil lang nakipagrelasyon ako sa kapwa ko empleyado.” Hindi nakaimik si Leamor. Pero hindi niya yata kayang may kahati sa pag-ibig at atensyon ni Joel. Isang desisyon ang nabuo sa isip niya. “Kung papayag ba akong magpabuntis sa iyo, hindi ka magpapakasal kay Ma’am Marga?” “What? Gagawin mo iyon?” Tumango siya kasabay nang pagpatak ng isang butil ng luha sa pisngi niya. “K-kung iyon lang ang paraan upang hindi matuloy ang kasal mo sa iba, gagawin ko. Ayokong tuluyan kang mawala sa akin.” Tumayo si Joel at umikot patungo sa tabi niya. Pagkatapos ay inakbayan siya nito. “Leamor, hindi naman ako mawawala sa iyo. Magpapatuloy pa rin ang relasyon natin. Pero kailangan ko talagang pakasalan si Marga. Siya ang gusto nina mommy na mapangasawa ko.” Napahawak ng kanyang dibdib si Leamor. Pakiwari niya ay tinusok ng patalim ang kanyang puso. Inalis niya ang kamay ni Joel na nakapatong sa balikat niya. “Babalik na ako sa mesa ko. May gagawin pa pala ako.” Tinalikuran na niya ito bago pa bumuhos ang luha niya. Nakahawak na siya sa doorknob nang muling magsalita si Joel. “We can still be together, Leamor. I need an heir. Hindi ako mabibigyan ng anak ni Marga. Kaya ikaw ang magbibigay sa akin ng anak na kailangan ko.” Napapikit si Leamor para pigilin ang luhang pumatak sa mga mata niya. Ngunit nagmulat din siya agad at mabilis na lumabas. Halos mag-blurred ang paningin niya habang naglalakad pabalik ng kanyang mesa. Noon ang hinihiling lang sa kanya ni Joel ay makasama siya nito. Pero ngayon anak na ang hinihingi nito sa kanya. Minahal nga ba siya nito o ginagamit lang siya? Ginawa lang yata siya nitong panakip-butas. Ngayong nakabalik na ang dati nitong girlfriend, magiging kabit na lang siya para mabigyan niya ito ng anak. Ang malas naman niya! Umibig pala siya sa maling lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook