“HEY! May problema ka ba? Kanina mo pa hinahalo iyang kape? Kung wala kang balak inumin iyan, tigilan mo na ang paghahalo. Natatapon na. oh!” Napapitlag si Kricel nang marinig niya ang tinig ng kanyang ate. Napatingin siya rito bago niya ibinaling ang atensyon sa kape na nasa harap niya. Tumapon na ang iba sa mesa. Mabilis naman niyang binitiwan ang stirrer na hawak niya. “What’s wrong with you? Parang wala ka sa sarili mo,” muling sita ng ate niya. “O-Okay lang ako, ate,” tugon niya. Balak sana niyang higupin ang kape. Ngunit bigla niyang naalala na buntis pala siya. Masama nga pala sa mga buntis ang magkape. Napilitan lang naman siyang mag-order ng kape kanina dahil tinawagan siya ng kanyang kapatid at sinabing gusto raw siya nitong makita at makausap. Tatanggi sana siya dahil aya

