Chapter 29-Love Is...

2015 Words

“WE’RE HERE,” anunsiyo ni PJ nang ihinto nito ang sasakyan sa harapan ng resort. Kumabog nang mabilis ang dibdib ni Kricel nang marinig ang tinig ni PJ. Bumaba ang lalaki at umikot ito sa tabi niya. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Inabot pa nito ang kamay sa kanya. Iiwas sana siya pero hinila nito mismo ang kamay niya. Lalong nagrigodon ang puso niya sa ginawa. Ilang buwan niya itong hindi nakita pero sa simpleng pagdikit ng mga kamay nila ay agad na gumapang ang kuryente sa katawan niya. Kinilabutan siya kaya hinila niya ang kanyang kamay nang makalabas sa sasakyan. “Hey! Something wrong?” nakakunot ang noong usisa ni PJ. Umiling si Kricel. “Kinakabahan ka ba?” Hindi sumagot ang dalaga. Hindi niya gustong sagutin ang tanong nito. Iyong magkita nga lang sila ay kinakabahan na siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD