“I DON’T KNOW what you are talking about. Just give me back my phone. May appointment pa ako sa OB-Gyne.” Tumayo na si Rosaline. Hindi na siya puwedeng magtagal pa. Nararamdaman niyang kaunti na lang at mabibisto na siya ng lalaking kausap niya. Hindi niya alam na doktor pala ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Tapos nandito pa ito sa ospital kung saan siya nagpapa-check-up. At kung tama ang hinala niya, baka kamag-anak pa ito mismo ni Doktora Bonifacio, ang OB-Gyne na tumitingin sa kanya. What a coincidence! Pilit na ngang kinalimutan ni Rosaline ang nangyari ng gabing iyon. Kaya nga noong magising siya kinabukasan ay umalis din siya agad bago pa magising ang lalaki. Kahit pa sabihin na guwapo ito at may magandang pangangatawan. Huwag nang idagdag na galing pa ito sa de buena pam

