NIKITA “OH MY, JOAQUIN XERXES!” mabilis akong napamulat nang makarinig ko ang sigaw. Iginala ko ang mga mata ko at saka ko naalala ang mga nangyari. Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Ma’am Sarina, kasama si Alex. Nanlalaki ang mga mata ni Ma'am Sarina habang nakatakip pa sa bibig ang isang palad niya. Mabilis akong napabangon habang kipkip ko ang kumot upang takpan ang katawan ko. Mahina akong napadaing sa sakit nang bigla akong gumalaw. Masakit ang pagitan ng mga hita ko, maging ang mga balakang ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Xerxes na nakadapa. Mariin pa akong napapikit nang makita ko ang mga kalmot sa likod niya. Sigurado akong ako ang may gawa noon. May takip naman ang beywang niya pababa, ang kumot na gamit ko rin ngayon. Mabuti at hindi ko iyon nahila ng buo

