NIKITA Napatitig ako sa singsing na suot ko. May may diamond iyon kaya sinubukan kong kagatin dahil baka pwet lang ito ng baso pero matigas siya. “What are you doing?” pabulong na tanong sa akin ni Xerxes kaya tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kaniya. “Totoo ba ito?” Pinakita ko sa kaniya ang Wedding ring na suot ko. “Of course. Can’t you be serious?” tila naasar na naman ito. Nagbubulungan lang kaming dalawa dahil kausap pa ni Ma’am Sarina si Judge Arellano na katatapos lang magkasal sa amin ni Xerxes. Iyan kaya totoong Judge? Iyong kasal namin? Baka naman joke lang ito? Prank, ganoon. Kaso mukhang totoo talaga. “Thank you so much, Judge. Pasensya ka na at biglaan kitang pinatawag ng madaling araw,” wika ni Ma’am Sarina. “It’s okay. Kayo po ang dahilan kung bakit judge na

