NIKITA’S POV Marahas akong humarap kay Xerxes nang maramadaman ko siyang pumasok sa loob ng opisina. “I already ordered your food,” casual na saad niya habang nangigigil naman ako sa galit na nakatingin sa kaniya. “Hindi ko kailangan ang pagkain mo. Xerxes, tangina naman.” Hindi ko na mapigilang magmura. Kumunot ang noo niya na parang nagtataka sa inaasal ko ngayon. “Are you cursing me woman?” “Kung oo, may gagawin ka ba?” Kinuha ko ang name plate na nasa ibabaw ng table niya at pinakita sa kaniya. Nanginginig pa ang mga kamay ko. “Hanggang kailan mo ako pagmumukhaing tanga?” garalgal ang boses na tanong ko sa kaniya pero ang gago kalmadong naupo lang siya sa sofang nasa harapan ko na para bang wala siyang ginawang masama. “So you know now,” casual na saad niya na para bang balewa

