NIKITA’S POV Tinitigan ko si Xerxes. Gwapo talaga. Pero kapag iisipin ko ngayon ang gagawin ko para sirain ang relasyon niya, hindi ko mapigilang mapangiwi. Nai-imagine ko na pinipilipit niya ang leeg ko dahil sa gagawin ko. “Hi,” bati ko habang may alanganing ngiti ako at bahagya pa akong nang-wave sa kaniya. “What are you doing here?” muling tanong niya sa akin. Wala man lang emosyon sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Pero ramdam ko na hindi siya masayang makita ako. “Ano lang… napadaan,” pagsisinungaling ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. Alangan naming sabihin ko sa kaniya na binayaran ako ng Lola niya. Pasimple kong isinuksok sa likod ng garter ang tsekeng hawak ko na nakalagay sa isang white envelope para hindi madumihan. Mas nagsalubong ang kilay n

