NIKITA'S POV
Tumikhim ako kahit wala naming bara ang lalamunan ko bago ako umayos ng upo.
Pinakatitigan ko siya. Alam kong mayaman siya kung ang bahay niya ang pagbabasehan pero talaga bang babayaran niya ako ng isang milyon? Magsasayang siya ng ganoon kalaking halaga. Kunsabagay, sa mga gaya nilang mayayaman, sigurado akong barya lang iyon.
Itinaas niya ang kamay na parang may hinihingi. Biglang may isang babaeng siguro ay nasa fourty years old ang biglang lumapit at nakita ko ang makapal na tsekeng inilagay niya sa kamay ni Ma’am Sarina.
May isinulat siya sa tseke bago niya iyon piniklas mula sa check pad at ibinigay sa akin.
Napatingin ako sa tsekeng hawak niya na may nakalagay na isang milyon nang ipakita niya sa akin iyon. Napangiti ako nang malaki at kung pwede lang magmukhang peso
sign ang mga mata ko ay nanyari na.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tseke at sa mukha nang matandang babaeng kaharap ko.
“Sigurado po kayo?”
Sa hirap ng buhay,sinong tatanggi sa isang milyon? Kung ang iba para sa kanila, hindi mahalaga ang pera, pwes hindi ako sila. Hindi ako magpapaka-impokrita para tanggihan ang malaking halaga na ini-o-offer niya sa akin ngayon.
Milyon iyon. Yayaman na ako. Kaya pala nangangati ang mga kamay ko kanina nang magising ako, akala ko magkakaalipunga lang ako kaya nag-alcohol agad ako. Iyon pala makakahawak ako ng malaking pera.
“Gusto mo bang dagdagan ko pa?”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Parang naririnig ko ang tunog ng pera mula sa automated teller machine habang nagwi-withdraw. Mababayaran ko na ang mga utang ko. Hindi na ako pupuntahan ni Ali, araw-araw para singilin sa utang ko at takutin ako. Hindi na rin ako mamo-mroblema kapag sinisingil ako ng iba pang pinagkakautangan naming kapag sinisingil ako at walang pambayad. Makakahinga na ako sa mga utang ko.
“Pwede po ba?”
Sinong tatanggi sa dagdag na pera? Syempre, hindi ako. Kasi mukha akong pera. Kahapon lang ay todo ang tanggi ko sa offer niya pero ngayong nalaman ko kung magkano ang ibibigay niya sa akin, pero na lang ang iniisip ko.
Dapat pala kahapon pa ako nakinig sa kaniya. Hindi sana ako problemado.
“Kapag nagawa mo ang pinapagawa ko, bibigyan kita ng another one million bilang bonus mo,” seryosong saad ng ni Ma’am Sarina.
Parang gusto kong mapapalakpak sa sinabi niya. Ito na talaga ang simula ng pagyaman ko.
“Ano po bang gagawin ko?” excited na tanong ko sa kaniya. “Kahit ano gagawin ko, basta huwag lang illegal.”
Kinakabahan pa rin ako sa gusto niyang ipagawa sa akin. Dahil sigurado akong hindi iyon madali. Hindi siya magtatapon ng malaking halaga kung madali lang ang ipapagawa niya.
Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan sa ngiti niya.
“Simple lang naman ang gagawin mo. Pipigilan mong makasal sa ang apo ko. Bahala ka nang umisip kung anong gagawin mo pero hindi dapat siya makasal sa babaen iyon. Hindi ko pinangarap magkaroon ang apo ko ng asawang linta.”
Napangisi ako sa sinabi niya. Iyon lang ba? Simple nga lang ang gusto niyang mangyari, yakang-kaya ko iyon.
Pasensyahan na lang sa relasyong masisira ko.
Basta ang nasa isip ko ngayon ay ang malaking halagang makukuha ko. Sa wakas, yayaman na ako.
“Ang ibig ninyong sabihin, ayaw ninyo sa fiancée ng apo ninyo?” pagkaklaro ko sa sinabi niya “Masama po ba ang ugali? Sabi ninyo Linta, malandi po ba?” curious na tanong ko.
Para rin pala siyang iyong kontrabida sa mga palabas. Ang pagkakaiba lang, imbes na iyong fiancée ng apo niya kausapin at bayaran niya ay ako ang binabayaran niya ngayon para paghiwalayin sila.
“Hindi ba dapat siya ang binabayaran ninyo ng isang milyon para hiwalayan ang apo ninyo?”
Sumimangot ito kaya baka mali ang sinabi ko. Naku, baka bawiin pa niya ang perang ibibigay niya sa akin.
“Hindi ko na iyon kailangang gawin. I am hitting two birds in one stone kaya ikaw ang gusto kong gumawa ng paraan para maghiwalay sila.” May kakaibang ngiti sa mga labi nito. Para bang may iba pa siyang pinaplano. “Magagawa mo ba?” naghahamon ang ngiting saad nito.
Ngumisi ako sa kaniya. Mali ang manira ng relasyon pero hindi naman ako makukulong sa gagawin ko, hindi ba? Kaya bakit ko tatanggihan ang pinapagawa niya?
“Huwag kayong mag-alala, akong bahala,” paninigurado ko sa kaniya.
“Good.”
Inabot nito sa akin ang tsekeng hawak niya. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak-hawak ko iyon. Parang gusto ko pang maiyak. Sa wakas, may pera na ako. Hindi na ako ma-i-stress sa kaiisip kung saan hahanap ng pera. Gusto ko pa ngang mapatalon sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko. Maging ang dibdib ko ay malakas ang t***k.
“Kapag nagawa mo ang sinasabi ko, asahan mong madadagdagan pa iyan. Baka nga mas malaki pa sa inaasahan mo ang makuha mo.”
Tumingin ako sa kaniya habang hawak-hawak ko pa rin ang tseke. Ang tsekeng sagot sa lahat ng problema ko.
“Hindi ko alam kung bakit ako ang inalok ninyo sa offer na ito pero nagpapasalamat ako sa inyo. Malaking tulong sa akin ang halagang ito. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo bibiguin,” pangako ko sa kaniya.
Kung sino man ang apo niya at ang fiancée nito ngayon pa lang ay humihingi na agad ako ng tawad. Kapos lang ako kaya paghihiwalayin ko sila.
Ngumiti siya sa akin. Mukha naman siyang mabait kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa mapapangasawa ng apo niya.
Matapos naming kumain ng almusal ay nagtungo kaming dalawa sa opisina niya. Ang laki talaga ng bahay nila. May swimming pool at malawak ang garden. Mansyon na yata ito, hindi lang malaking bahay. Marami rin akong nakikitang katulong. Inayon ko ang buhok kong lumaglag sa mukha ko. Saka ko lang naalala na, nakapantulog pa nga pala ako at wala pang suklay. Mas maayos pa ang hitsru ng mga katulong sa akin.
Iyong opisina niya, parang iyong mga opisina na nakikita ko lang sa tv. Ganito pala talaga kapag mayayaman. Hindi ko maiwasang mamangha. Pakiramdam ko para akong nababano sa mga nakikita ko.
Lumapit siya sa table na naroon habang ako naman ay naupo sa isang upuan na tinuro niya sa akin.
May dala na siyang brown envelope nang lumapit sa akin.
“Iyan ang larawan ng apo ko at ng fiancée niya. Kailangan mo siyang makilala, para kapag nakaharap mo na sila, alam mo na ang gagawin mo.”
Binuksan ko ang envelope at muntik nang malaglag ang puso ko nang makita ko mga larawang laman noon.
Si Xerxes at ang babaeng tumawag sa kaniyang babe kahapon sa restaurant.
“Sigurado akong kilala mo na siya. Tama ako, hindi ba?” may kakaibang ngiti sa mga labi niya.
Lumunok ako bago ako nagsalita. “Apo ninyo si Xerxes?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa matandang kaharap ko.
“Yes, my one and only grandson.”
Hindi ko alam kung siswerte ba ako o minamalas talaga.
Bakit sa dami niyang apo, ang dating boss ko pa na dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho?
Tiningnan ko ang mga larawang hawak ko. Iba’t ibang kuha iyon na para bang sinusundan ang bawat galaw nito at ng fiancée niya.
“But you called him Xerxes, close ba kayong dalawa?”
Napangsimangot ako.
“Hindi po kami close, sa katunayan, nagtatrabaho ako sa Tasty Nook pero bigla niya akong sinisante kahapon dahil lang nabunggo ko siya at nalagyan ng lipstick ang damit niya. Kaya Xerxes lang tawag ko sa kaniya.”
Natawa ito sa sinabi ko. Hindi man lang siya nagalit na nagpapakita ako ng pagkadisgusto sa apo niya.
“This would be more exciting.”
Anong exciting doon?
Napatitig ako sa larawan kung saan solo picture lamang iyon ni Xerxes, oo, Xerxes lang ang tawag ko sa kaniya dahil hindi ko naman na siya boss.
Itinagilid ko ang ulo ko. Paanong kamukhang-kamukha niya si Joaquin? Nagkataon lang ba iyon? Hindi ba talaga sila iisa?
“Wala po bang kakambal ang apo ninyo?” tanong ko kay Ma’am Sarina.
“Wala, nag-iisa lang siya kaya hindi ako papayag na mapunta siya sa babaeng alam kong hindi naman siya magiging masaya. Kaya Nikki, aasahan ko ang pangako mo. Wala akong pakialam kung paano mo sila paghihiwalayin, pero gusto kong maghiwalay sila sa lalong madaling panahon.”
“Paano kung mahal nila ang isa’t isa at wala akong magawa?”
“May magagawa ka. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Dahil ako malaki ang tiwala ko sa iyo.”
Tumango ako sa kaniya. Bahala na si Batman.
Tumayo ako at inilahad ko ang kamay ko kay Ma’am Sarina. Hindi na ako pwedeng umatras, kailangan ko ang perang ibinigay niya sa akin.
Tinanggap niya ang kamay ko.
“Good luck, Nikki.”
Ngumiti ako ng alanganin sa kaniya. Good luck talaga sa akin. Sa dami nang lalaki sa mundo na pwedeng maging apo ni Ma’am Sarina si Xerxes pa talaga.
Paano ko sila paghihiwalayin ng fiancée niya? E, ayon sa mga nakikita kong picture nilang dalawa, parang turo palagi ang babae na nakakapit sa kaniya.
Lumabas na ako sa opisina ni Ma’am Sarina para umuwi na muna. Maliligo muna ako tapos magwi-withdraw ako ng pera para makapagbayad na ako ng utang. Sabi naman ni Ma’am ay ihahatid ako ni Obet. Iyong driver ng van na laging sumusundo sa akin pero palabas pa lang ako ng maindoor ay napahinto ako nang makita ko ang lalaking bagong dating.
Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
“What are you doing here?”