THIRD PERSON POV Hila-hila ni Xerxes si Alona at marahas niya itong tinulak paupo sa kama nang makapasok sila sa kwartong inookupa ni Xerxes. “WHAT did you do?” marring tanong ni Xerxes habang matalim ang tingin niya sa babae. “Hindi ko sinasadya,” painosenteng tanong ni Alona. “I saw what you did.” “Nagbibiro lang ako, I was just trying to be playful. Akala ko marunong siya maglangoy dahil naglalangoy naman siya kanina kasama ang mga kaibigan niya,” katwiran ni Alona. “Hindi mo ba napapansin na hindi siya pumupunta sa malalim? You almost killed her!” Singhal ni Xerxes, parang gusto niyang pilipitin ang leeg ng babaeng kaharap. Namamasa ang mga matang tumingin si Alona kay Xerxes. Ito ang unang beses na pinagtaasan siya ng boses ng lalaki. Alam niyang minsan ay naiinis din ito sa k

