NIKITA’S POV “Sabi ko na sa iyo, dapat iyong sexy ang sinuot mo. Si Alona iyan, hindi ba?” bulong ni Jelly sa akin nang nagtungo kami sa may pool. May nakalagay na doong ihawan para sa barbecue na lulutin namin. Ang pagkakaiba sa mga villa na gaya nitong kina Ma’am Sarina ay pwede silang magluto dahil may sarili silang kitchen at kompleto lahat ng gamit, hindi kagaya sa inookupa naming nina Jelly na kwarto lang talaga. Napatingin ako kay Alex na nagpapa-apoy na ngayon ng ihawan. Si Ma’am Sarina naman ay pumasok saglit sa loob dahil may tumawag sa kaniya. Habang si Xerxes at ay nakaupo lang at hindi umaalis ang girlfriend niya na parang tuko kung makadikit sa kaniya. “Alam mo, maganda siya sa TV pero hindi sa personal, halatang nagpadagdag ng nguso, gusto yatang maging Angelina Jolie k

