NIKITA’S POV Nagtungo kami sa mall ni Ma’am Sarina sa isang Beauty Clinic. May mga staff na agad na sumalubong sa amin. “Hello, ma’am. Welcome back,” mainit na pagbati nila kay Ma’am Sarina. Halatang customer na siya dito. Pasimple naman akong tumitingin sa paligid. Ganito iyong mga salon ng mga mayayaman. Isang lugar na hindi pa ko binalak pumasok kahit kailan dahil alam kong mahal ang bayad sa mga ganito. Ako nga lang ang naggugupit sa sarili ko para tipid. “I want you to give her the best treatment her,” saad ni Ma’am at tumingin sa akin. “Make her more beautiful.” Agad naming ngumiti sa akin ang babaeng kausap niya. Habang ako naman ay hindi ko alam kung ngingiti baa ko o hindi. Bakit pati ako? “Sure, Ma’am. Kami nang bahala sa kaniya, mula ulo hanggang paa.” “Teka lang!” pigil

