NIKITA’S POV “Mukhang matindi ang pagkaayaw sa akin ng apo ninyo.” “Huwag mo na lang siyang pansinin.” Nag-aalangang tumingin naman ako kay Ma’am Sarina. Ang bait talaga niya sa akin pero baka nga kailangan ko nang umalis. Ayaw ko naman na masira ang dinner nila. “Uuwi na lang po ako. Salamat po sa treat ninyo ngayong araw,” paalam ko sa kaniya. Mukhang gustong ipaglapit ni Xerxes si Alona at si Ma’am Sarina pero dahil nandito ako baka makasagabal pa ako. “Hindi ka aalis. It’s already late, ihahatid ka na lang ni Obet. Dito ka na mag-dinner.” “Pero ma’am, mukhang family dinner ninyo ngayon, hindi n’yo naman ako family kaya uuwi na lang po ako. Kaya ko naman mag-commute.” “Do you really have to be part of our family first before you agree to dine with us?” Mabilis akong umiling sa

