NIKITA’S POV “STALKER AKO?! Malakas ang boses ko at itinuro ko pa ang sarili ko. “Huwag kang palabintang, ano bang malay ko na nandito ka? Saka anong akala mo sa sarili mo, gwapo para sundan ko? Kapal neto.” “You talk to much, I am just asking you, why you sound so defensive?” “Huwag mo akong ma-English-English. Hindi ako stalker.” Dinuro ko pa siya. Akala ko ba nagpunta kami dito para mag-relax? Bakit hanggang dito sinusundan yata ako ng malas. Tapos makabintang siya sa akin, akala naman niya naghahabol ako sa kaniya. Hindi porke’t nalaman kong siya talaga iyong ex ko ay hahabulin ko na siya. Lalampasan ko n asana siya nang bigla niya akong hinila sa braso at kulang na lang ay kaladkarin niya ako para sumama sa kaniya. “Ano bang kailangan mo? BITAWAN MO NGA AKO!” pilit kong inaalis

