NIKITA’S POV KINABUKASAN ay nagising ako dahil kay Jelly. Magkasama kaming dalawa iisang kwarto pero magkahiwaly kami ng kama. Bigla niyang hinila ang kumot kaya napamulat ako. Binawi ko sa kaniya ang kumot at saka ako nagtalubong bago muling pumirik. “Nikki, gising na, hindi ka tayo pumarito para matulog ka lang,” aniya at pilit hinihila ang kumot ko na nakataklob sa akin. “Inaantok pa ako,” reklamo ko sa kaniya habang nanatiling nakapikit. “Bumangon ka na. Hindi tayo pumarito para matulog ka lang.” Pinalo pa niya ako sa tagiliran ko bago siya tuluyang bumangon sa kama. Tinatamad na bumangon ako. Tumingin ako sa buong paligid, maliwanag na. Napipilitang bumangon na ako. Nasa bathroom na si Jelly kaya nagtungo muna ako sa maliit na balcony. Napangiti ako at itinaas ang mga kamay ko pa

