NIKKITA’S POV
Nakahiga lang ako sa sofa habang nakatunganga. Gusto kong kumilos para maghanap ng trabaho dahil may kalahating araw pa naman ako pero wala naman na akong pera.
Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Minsan gusto ko nang maawa sa sarili ko, kung hindi ba nagkasakit si nanay at nawala ng maaga, siguro iba ang sitwasyon ko ngayon. Dati naman, hindi ako pinapabayaan ni Tatay noong buhay pa si nanay pero mula nang sumakibilang bilat na siya ay nakalimutan na rin niya ako. Sa akin na rin niya pinaako ang lahat ng naiwang utang.
Nasa kwarto na ulit niya si Jelly dahil may trabaho pa siya. Bumangon ako at tumingin sa paligid, dahil wala naman akong gagawin ay mas pinili ko na lang munang maglinis ng buong apartrment. Talagang lahat yata ng alikabok ay napunasan ko. Sinalang ko rin sa washing machine ang marurumi kong dami, maging ang kay Jelly ay dinamay ko na. Madalas kasi ay pagod ang kamay niya kaya naawa rin ako sa kaniya kapag nagbabasa siya ng kamay bigla, baka mapasma siya. Gusto ko lang maging productive ngayong araw kahit papaano kaya nag-general cleaning na lang ako.
Napahawak ako sa likod nang matapos akong maglinis. Pawisan na ako pero hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong maayos na ang buong paligid. Maaliwalas na iyong tingnan, pareho kasi kaming busy sa trabaho ni Jelly kaya parehong hindi na kami nakakapaglinis ng bahay.
Dumidilim na ako nang matapos kaya nagsaing na rin ako. Iniisip ko pa kung ano ang ulam na lulutuin ko. May laman pa naman ang ref namin. Kaya may pwede pa akong lutuin.
Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok doon. Sino naman kaya ito?
Nang pagbuksan ko ang pinto ay napangiti ako nang makita ko si Alex.
“Babe!” agad ay bungad niya at niyakap ako.
Natawa naman ako sa ginawa niya.
“Napadalaw ka. Pasok ka.”
Si Alex ay ang kaibigan naming ni Jelly. Pusong babae siya pero hindi gaya ng ibang bakla na ladlad siya. Lalaki pa rin siyang kumilos at manamit. Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala. Iyon kasing jowa niya dati ay binalak kaming pagsabayin, kaso nalaman niya kaya sinugod ako ng bakla. Hindi ko alam alam na may jowa na pala si Carlos, lalong hindi ko alam na bading ang jowa niya. Hindi ko rin naman ito pinayagan na ligawan ako pero kinukulit ako. Pero nang malamin naming ni Alex na pareho pala kaming niloloko at balak akong idagdag sa kolekyon nito ay tinulungan ko pa siyang sugurin ang ex niya. Hanggang sa maging close at magkaibigan kami. Sa kabilang kanto lang naman ang bahay niya, kaya minsan ay pumaparito talaga siya.
“Wala ka bang pasok?” tanong niya sa akin. Kusa na itong naupo sa sala.
“Wala na akong work.”
“Huwag mong sabihin sa akin na nakipag-away ka na naman sa boss mo?”
Madalas kasi dati ay natatanggal ako sa trabaho dahil mahilig akong lumaban. Kapag alam kong tama ako, hindi talaga ako papaapi. Kaso sa huling trabaho ko, tiniis ko talaga bunganga ng manager naming dahil nga gusto ko nang magtagal sa work ko, isa pa maganda ang sweldo ko. Kaso big boss mismo ang nagtanggal sa akin.
“Sana nga ganoon na lang. Kaso hindi, nasisante ako. Kaya heto, nganga naman ang lola mo.”
“Bakit hindi ka na lang mag-abroad? Pwede kitang tulungang makaalis. May kilala akong agency,” suhestiyon niya.
Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede rin nga iyon, dati kasi ayaw kong umalis ng bansa. Katwiran ko, hangga’t may trabaho ako dito sa Pinas, dito lang ako, kasi alam ko naman na hindi biro ang trabaho sa abroad. Kaso ngayong gipit ako, baka nga mas mabuting mangibang bansa na lang ako.
“Talaga?”
“Oo, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko iyong kakilala ko. Para naman, hindi ka na nagtyatyaga sa maliit na kita mo tapos mapupunta lang naman sa mga pagbabayad mo ng utang. Kapag nasa abroad ka, mas makakabayad ka rin ng utang. Tapos humanap ka na roon ng fafa, para naman pag-uwi mo, may anak ka nang pwede nating isabak sa Ms. Universe kapag nagdalaga na,” sulsol nito sa akin.
Afam na kasi ang bagong jowa niya kaya pati ako gustong magaya sa kaniya. Kaso sabi nila kapag foreigner daw malaki, nakakatakot naman.
“Hindi pa ako nakakaalis, iyang bilin moa gad puro kalandian. Kung papalarin man akong makaalis, pupunta ako doon para magtrabaho. Saka sure ba iyang kilala mo? Baka naman budol iyan,” nagdududang saad ko sa kaniya.
Marami na kasi akong nabalitaang na-scam. Wala na nga akong pera i-scamin pa ako.
“Legal iyon. Marami na iyong napaalis kaya huwag ka mag-alala. Safe ka.” Umikot ang mga mata niya sa paligid. “Busy pa ba si Jelly?”
“Baka, hindi pa kasi lumalabas mula kanina.”
Minsan, duda ako dito kay Alex. Palaging hinahanap si Jelly, minsan nga iniisip ko, crush niya ang kaibigan ko.
“Dahil wala ka naming work, pwede kang mapuyat, kaya bar tayo,” biglang yaya nito.
“Wala nga akong pera, magba-bar pa.”
“Treat ko. Isama natin si Jelly para mas masaya,” nakangiting saad nito.
Eksakto naming lumabas si Jelly sa kwarti niya.
“Isama saan?”
“Sa bar, sumama ka na. Minsan lang ito. Nagpadala kasi ang fafabels ko kaya ililibre ko kayo.”
“Go ako diyan,” mabilis na sagot ni Jelly at sabay silang tumingin sa akin ni Alex.
“Libre, tatanggi pa ba ako?” nakangising sagot ko.
“Then let’s get ready!” matinis ang boses na saad ni Alex.
“Okay!” sabay na sagot namin ni Jelly.
Mabilis siyang nagpaalam para umuwi para magbihis at kunin ang kotse niya para raw sunduin kami. Naglakad lang raw kasi siya paparito sa apartment namin.
Pumasok na si Jelly sa kwarto niya nang makaalis na si Alex, pumasok na rin ako sa kwarto ko. Kesa magmumok ako dahil wala akong trabaho, mas mabuting lumabas na lang muna ako kasama ang mga kaibigan ko. Wala rin naming mangyayari kahit magmukmok ako, isa pa ngayon ko lang ulit mararanasang lumabas kaya sasamantalahin ko na habang wala pa akong trabaho.
Sab inga nila, you only live once, kaya dapat sulitin daw ang bawat araw. Kaso sa sitwasyon ko, mas lamang ang pagtatrabaho kaysa mag-enjoy. Kaya ngayong gabi, magsasaya ako. Tapos bukas, saka ko na lang ulit haharapin ang problema ko. Sabi naman ni Alex ay tutulungan niya ako, pero alam kong hindi madaling makaalis ng bansa, marami pa rin akong aabyarin at kailangan gastusin kaya kailangan ko pa rin ng trabaho para may pera akong gagastusin.
Naligo muna ako bago ako naghanap ng susuutin ko. Wala naman akong masyadong damit kaya nagsuot na lang ako ng isang leather na miniskirt, tenernuhan ko iyon ng isang spaghetti strap na pang-itaas pero nag-jacket ako, habang ang pang-ibaba ko naman ay boots na nabili ko lang ng sale sa online. Mura lang ito pero kahit papaano ay marunong naman akong pumorma kaya, idinadaan ko na lang sa pagdadala.
Inilugay ko na lang ang buhok ko. Pagkatapos ay tanging pulang lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko. Maganda naman ang kurba ng kilay ko kahit hindi na iyon drawingan kaya madalas ay lipstick lang talaga ng nilalagay ko.
Wala akong pabango kaya sa kwarto ako ni Jelly nagpunta. Humingi ako sa kaniya nang pabango at pinapili naman niya ako sa nasa ibabaw ng hair dresser niya.
“Ready ka na?” tanong ko kay Jelly nang makita ko siyang nakabihis na pero nakaupo pa rin siya sa kama at busy sa phone niya.
“Wait lang, nagpapaalam pa ako sa boyfriend ko,” sagot nito.
Kaya ayaw ko na magka-boyfriend. Una, nadala na ako matapos akong i-ghost, pangalawa, ayaw ko nang palaging kailangan kong mag-update o magpaalam kung ano ang gagawin ko.
Hindi naman nagtagal ay tumayo na ito at humawak sa kamay ko. Narinig naman naming ang sasakyang huminto sa harap ng apartment kaya lumabas na kaming dalawa.
Napangiti ako nang makita naming si Alex, sakay ng Honda Civic niya. Medyo may kaya talaga ng pamilya ni Alex at maganda rin ang trabaho niya bilang real state agent.
Sabay kaming sumakay ni Jelly sa kotse ni Alex. Sa huli ako habang sa passenger seat naman siya. Hindi ko alam kung saan ang punta, libre lang ako kaya susunod na lang ako sa kanila.
May dala nga akong maliit na bag na nakasabit sa balikat ko pero wala naman itong laman kundi Id at Phone ko.
Huminto kami sa tapat ng isang bar. Hindi ako mahilig mag-bar kaya ito ang unang beses na pupunta ako dito, habang si Jelly at Alex naman ay halatang sanay na sa ganitong lugar.
Humawak ako sa braso ni Alex nang pumasok kami sa loob. Maingay, mausok at parang tinatambol ang dibdib ko dahil sa lakas ng tunog ng music. Medyo madilim din at tanging mga naglalarong ilaw na may iba’t ibang kulang ang tumatanglaw sa buong paligid.
Maraming nagsasayawan sa gitna. Naupo kami sa isang table at agad na umorder nang alak si Alex.
“I sold a unit kanina, huwag kayong mag-alala. It’s on me,” wika ni Alex.
“Kung hindi ka baliko, baka jinowa na kita,” pang-aaar ko sa kaniya at kinindatan siya. Umakto naman itong parang kinilabutan sa sinabi ko kaya tinawanan ko na lang siya.
Hindi talaga mahahalata na bakla siya, lalo na at mahilig siyang mag-gym kaya mukha siyang lalaki dahil sa mga muscle niya.
Agad na uminom ako ng alak. Mapait iyon pero sa gaya kong wala nang pera, wala pang trabaho, tapos hinahabol pa ng pinagkautangan ko, pakiramdam ko mas mapait ang sitwasyon ko.
Tumitingin lang ako sa paligid. Bumaling ako kay Alex nang lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
“Tingnan mo iyong lalaking nasa right side, kanina pa siya nakatitig sa iyo,” bulong niya sa may tenga ko kaya napatingin ako sa tinutukoy niya.
“Hindi ko type,” mabilis na sagot ko nang makita ang lalaki.
“Gwapo naman, ah.”
“Mukhang babaero, saka hindi ako mahilig sa lalaking mataas ang hairline.”
“Ang arte,” bulong sa akin ni Alex.
Nagpatuloy ako sa pag-inom. Hindi ko na alam kung ilang bote na ang nauubos ko. Hindi naman ako madaling malasing kaya okay lang kahit marami akong nainom.
“Sayaw tayo,” yaya sa akin ni Jelly nang tumayo siya pero umiling ako sa kaniya.
Isa sa pinakaayaw ko ay sumayaw sa sa bar lalo na at siksikan dahil may mga bastos na bigla na lang nanghahawak kung saan-saan. Kahit naman sumasama ako sa ganitong lugar, alam ko pa rin ang dapat at hindi ko dapat gawin.
“Ikaw, hindi ka ba sasayaw?” tanong ko kay Alex na nakaupo pa rin sa tabi ko. Pandalawahan naman ang inuupuan naming kaya kasya kaming dalawa. Ewan ko ba kung bakit dito siya nakaupo sa tabi ko gayong may solohang upuan naman.
“Maya-maya,” simpleng sagot nito.
Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kanina pa kaya inikot ko ang mata ko sa paligid. Wala naman akong nakitang nakatingin sa akin dahil abala ang lahat sa kani-kanilang mundo. Hanggang sa mapatingin ako sa itaas, napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking naka-cap at naninigarilyo habang naka-dungaw siya sa ibaba. Sa pwesto niya, masasabi kong matangkad siya. Hindi ko makitang mabuti ang mukha niya dahil sa sobrerong suot niya at medyo madilim din a pwesto niya. Tumalikod na kaya nagkibit balikat na lang ako. Nagpaalam naman sa akin si Alex at sumunod na ito kay Jelly kaya naiwan akong mag-isa.
Kita kong masayang gumigiling sa gitna ang mga kaibigan ko. Tumayo naman ako sa pwesto ko para sana umihi.
Matapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay sa sink. Tumingin ako sa malaking salamin na nasa wall para i-check ang sarili ko. Kinuha ko ang lipstick para sana magre-apply pero bago ko pa man iyon maingudngod sa nguso ko ay napahinto ako nang makita ko ang naghahalikang biglang dumaan sa likod ko at pumasok sa isang cubicle.
Napanganaga na lang ako at biglang napailing. Agad na akong lumabas dahil mukhang may gagawing hotel ang loob ng comfort room. Hindi na ako nakapag-retouch ng lipstick ko. Habang naglalakad ako pabalik ay nagulat ako nang may humarang sa akin.
“Hi, are you alone?” lasing na tanong nito sa akin.
“No.”
“Do you want to—”
“No,” putol ko sa ano pa mang sasabihin niya.
Isa sa nakasanayan ko kapag nasa ganitong lugar ako ay ang laging tumanggi. Dahil akala nila palagi, easy to get kapag nasa bar ang babae. Hindi yata nila alam ang salitang magsaya lang.
Akmang hahawakan sana niya ako nang mabilis akong umiwas sa kaniya.
“Ang arte mo, sumama kana sa akin. Promise, dadalahin kita sa langit.”
“Eh, kung sa impyerno kaya kita dalahin. Hindi ako cheap, uy!” Saka hindi ako pumapatol sa lalaking square ang mukha na parang si Spongebob.
Iniwan ko na siya bago pa man siya may muling sabihin. May mga lalaki talaga na feeling gwapo, akala yata makukuha nila lahat ng babaeng gusto nila.
Bumalik ako sa table namin. Muli akong uminom. Lumapit naman sa akin si Jelly na kumuha lang ng isang bote ng alak at bumalik na muli sa gitna. Kapag nasa ganitong lugar ay umiinom lang talaga ako, hindi rin ako gaya ng iba na naghahanap ng lalaki sa mga ganitong lugar.
May makita akong sigarilyo sa ibabaw ng table. Kumuha ako ng isang stick at kinuha ko rin ang lighter na nakita ko saka ako tumayo.
Lalabas muna ako ng bar para sumagap sandal ng hangin dahil iba’t ibang amoy nan ang alak ang naamoy ko. Meron ding amoy ng pabango at amoy na hindi kaaya-aya. Pakiramdam ko mas malalasing ako sa mga naamoy ko kaysa sa alak na ininom ko.
Kinuha
May ilan din akong nakita na naninigarilyo. Hindi gaya noong lalaking nakita ko kanina na hindi na lumabas habang nagyoyosi. May pwesto naman sa loob kung saan pwede manigarilyo pero mas trip ko dito sa labas.
Sinindihan ko ang stick at humithit ako bago ko ibinuga ang hangin pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang kotseng nasa harapan ko na nakaparada. Halatang mamahalin iyon base sa design nito. Napansin kong medyo umaalog iyon kaya lumapit ako. Masyadong tinted kaya hindi ko makita ang loob.
Pasimple kong sinisilip ang nangyayari sa loob ng kotse pero hindi ko makita dahil medyo madilim din dito sa pwesto ko. Kahit saan yata ako mapunta ay may milagrong nagaganap, parang pinapamukha sa akin single ako.
Napangisi ako nang mas umuga pa ang sasakyan. Pero nagulat ako nang biglang may naglagay ng sombrero sa ulo ko at hinila niya ang unahan noon kaya napayuko ako bago ko pa man makita kong sino ang lalaking lumapit sa akin.
“Mind your own business,” saad nang baritonong boses.
Nakita yata niya akong nakiki-tsismis sa nasa loob ng kotse.
Sinubukan kong tingnan kung sino siya pero muli niyang hinila pababa ang cap para manatili ang tingin ko sa baba. Sapatos at black pants lang niya ang nakikita ko. Nakasuot din siya ng black jacket.
“Go back to your boyfriend, it’s dangerous here” utos nito. Ang gwapo ng boses niya.
Kinuha niya ang yosing hawak ko bago tumalikod. Nakita ko pang siyang humithit doon.
“HEY! YOU!” malakas na sigaw ko para tawagin ang pansin nang lalaking naglalakad palayo. Ang tangkad naman niya, iyon ang napansin ko habang naglalakad siya palayo.
Hindi man lang ito lumingon hanggang sa sumakay ito sa isang pulang sports car. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at hinahawakan naman niya ang cap na suot ko ngayon para hindi ako mapatingin sa mukha niya kanina.
Sino naman kaya iyon? Saka sinong boyfriend ang tinutukoy niya? Wala naman akong boyfriend.
Hala, napagkamalan pa yata akong kakilala niya. Kinuha ko ang cap na isinuot niya sa akin, inamoy ko iyon, in fairness ang bango.
Paano ko ito maisasauli sa kaniya? Hindi ko siya kilala. Saka bakit niya ito sinuot sa akin?