4

1105 Words
IZA’s POV Mabilis ang ginawang pagpapaandar ng kotse ni Kuya Doz. Hindi siya bumaba para batiin o magpakita man lang sa celebrant. Hindi rin siya nagpaalam kay Miss Inlayo. Basta na lang kami umalis. Bakit? Dahil ayaw pa rin niyang gawin ang reward na hinihingi ko sa kaniya. Nandito ako sa likod pa rin ng kotse niya. Para akong senyorita at siya ang driver ko. Sanay naman ako na princess kung itrato ng mga Martin. Ako ang bunso nila at kadalasan ang gusto ko ang nasusunod. Lalo na kapag si Daddy Dax ang nagtanong sa akin. Lahat ay ibinibigay nila sa akin. Hindi naman ganito si Kuya Doz, noon sa akin. Ito ang pinaka-sweet sa lahat. Ito ang mas nagbe-baby sa akin. Ang tawag pa nga niya noon ay Iza baby. Siya lang ang nag-iisang tumatawag na ‘Iza’ sa akin. Lahat sila ay Vane o di ka ay Vanessa. Okay lang na tawagin nila akong Vane, pero hindi nila ako pwedeng tawagin na ‘Iza’. Mahigpit na ipinagbabawal iyon ni Kuya Doz. Ewan ko bas a kaniya at may sarili pa siyang tawag. Ang daming nagbago sa kaniya simula noong 18th birthday ko. Mabuti nga at ‘Iza’ pa rin ang tawag niya sa akin. Pero nalungkot pa rin ako dahil nawala ang baby. May secret ako at wala naman akong pinagsasabihan tungkol sa baby. Pero heto at si Kuya Doz ay nagbago na talaga sa pagtawag sa akin at sa kaniyang pagtrato. Nakadagdag pa yata ang sinabi ko sa kaniya kanina. Kiss lang naman iyon. Kapag nakappag-toothbrush na ako mawawala na rin iyon. Sila nga ng ate ni Crystal, nag-kiss. Kung may relasyon sila? Wala pa akong naririnig mula kanila Kuya Ivez, Kuya Daviz, at Kuya Diez. Mga busy kasi kami ngayon kaya hindi pa kami mga nagbo-bonding. Baka kung hindi nagtuturo si Kuya Doz, hindi ko pa siya makikita. “Kuya Doz, ano bang masama sa gusto kong reward? Mas ginusto mo pang umuwi kaysa i-kiss ako? Hindi naman mabaho ang mouth ko. Amuyin mo pa.” Dumukwang pa ako para hingahan siya. Sigurado akong mabango dahil nag-spray ako kanina lang. Hindi pa rin niya ako pinansin at mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Kaya napabalik ako sa upuan ko. “‘Yong kasama mo kanina, hindi mo ba naaamoy? Ang baho kaya ng kaniyang bibig. Pumupunta rito sa akin ang amoy. Pero gusto mo pa rin siyang kausap.” Tiningnan ako nito sa salamin kung saan madalas magtama ang aming mga paningin. “Napipi ka na ba? Magsalita ka, Kuya Doz. Hindi naman mabaho ang bibig mo. Kasi kung mabaho ka, hindi ako Makiki-share sa baso mo, para maki-inom. Magsalita ka kaya. Baka talagang mamaho iyan dahil panis na.” pangungulit ko pa rin sa kaniya. “Ayaw mo na ba akong kausapin? Ayaw mo rin ibigay ang reward ko. Sige, kung ayaw mo, ‘di ‘wag. Hindi na rin kita kakausapin. Last na sakay ko na ito sa sasakyan mo. Hindi ko na rin ipipilit ang gusto kong reward. Baka payagan na naman ako ni Mama Cindy na mag-boyfriend. Sa kaniya na lang ako magpapaturo kung paano mag-kiss.” Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga litanya ko ay tumahimik na lang ako. Tahimik din naman siya. Nagsumiksik ako sa gilid ng sasakyan para hindi niya ako makita. Para hindi na magtama ang mga mata namin. Time na siguro para iwasan ko siya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya nagkaganiyan bigla? Noong birthday ko, okay pa kami. Nasunod nga ang gusto niya. Walang outsider o mas tamang sabihin na walang ibang lalaki ang kasali sa 18 roses ko. Lahat ay malapit sa akin. Ang naiba lang ay si Tito Roel, Tito Tino, at si Papa Lex, na hindi Martin. Lahat sila ay may apelyidong Martin. Ito ang aking 18 roses at ang pagkakasunod-sunod sa invitation. Si Mommy Thisa ang nag-ayos ng aking party. Ilang beses pa akong nagpalit ng gown. May mga invited akong mga classmates at ang mga kaibigan ko. Nagtampo pa nga sila dahil hindi sila nasali sa 18 roses ko. In-expect pa naman nila na kasama sila. Kaya laking gulat nila nung matanggap ang invitation. Wala akong say sa 18 roses. At ang sabi ni Mommy Thisa, si Kuya Doz ang nagbigay ng listahan sa kaniya. Sa isang banda ay okay rin naman dahil ang nagsayaw sa akin ay mga malalaking ambag sa buhay ko. Papa Lex Daddy Dax Daddy Dougz Daddy Hanz Tito Roel Tito Tino Kuya Ethanz Kuya Haze Kuya Lanz Kuya unior Kuya Kadax Kuya Dalsy Kuya Kaxon Kuya Daxen Kuya Daviz Kuya Diez Kuya Ivez Kuya Doz Ipinagtataka ko lang, hindi pa tapos ang party at nagpalit lang ako ng damit ko para sa last part, iba na ang pakikitungo sa akin ni Kuya Doz. In-escort-an pa rin naman niya ako, pero iba na ang kilos niya. “Iza, baby, you’re so lovely tonight.” Titig na titig siya sa mukha ko noong gabing iyon. Akala ko nga ay iki-kiss niya ako sa lips pero hindi. Sa noo niya ako hinalikan. Para naman akong matanda o kapatid lang ang turing niya sa akin. Pero ako, gusto ko, mas higit pa roon. Ayaw kong forever Kuya ko siya. Okay lang na Kuya ko sila Kuya Ivez, at ang iba pa. Pero hindi siya, hindi si Doz. Iyong pagiging malambing niya, nagbago rin noong gabing iyon. Hanggang sa mga sumunod na mga araw. Kahit magkita sa school, student na lang ang turing niya sa akin. Nakita ko rin na naging malapit siya sa ibang mga babae. Nakikipag-ngitian siya sa iba. Habang ako ay naiinis. Bakit hindi niya ako mangitian ng tulad ng sa kanila? May nagawa ba akong mali sa kaniya? Natanong ko na rin siya, pero wala siyang isinasagot sa akin. Kaya para mas dumami ang time na makasama ko siya, gusto kong um-attend ng remedial class. Gusto ko siyang makasama pa kahit hindi niya ako kausapin. Ang makita ko lang siya ay sapat na. “Diyan na lang ako sa tapat ng gate, bababa. Huwag mo na ipasok pa sa loob. Salamat na lang. At pakitandaan, ito na ang huling beses na makikisakay ako sa sasakyan mo.” Madiin kong sambit. Pero sa likod ng utak ko, may kasunod pa ang sinabi ko. “Unless maging tayo.” Namumuhay ako sa imagination. Sa pangarap lang, na sana dumating ang oras na mahalin niya ako. Matikman ko ang mga labi niya. Gusto kong sa kaniya manggaling ang aking unang halik. Pero paano? Kung lagi niya akong iniiwasan. Akala ko may magbabago na kanina, noong pinapunta niya ako sa opisina niya — wala pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD