DOZ’s POV
Nakatulog na si Iza, sa likod ng kotse. May birthday ang isa naming kasamahan sa faculty. Pupunta rin si Ivez, pero mamaya pa. Kaya sa akin nakisakay si Miss Inlayo, isang professor din sa paaralang pinapasukan ni Iza.
Ang sabi ko kay Miss Inlayo, hintayin ako sa harapang ng school. Kukunin ko pa ang aking sasakyan.
Napadaan naman ako sa tambayan nina Iza at ang mga tropa nito na mga pasaway.
Walang remedial class kaya tuwang-tuwa yata sila. Nagtatawanan.
Na kay Iza agad ang aking paningin. Hindi ko gusto ang ginagawa ng isa niyang kasama. Hindi malinaw sa akin kung inaamoy o hinahalikan niya si Iza? Pero kahit alin doon ang ginagawa niya? Mali pa rin! Hindi magandang tingnan. Kahit sino ang makakita sa mga kapatid ko o pinsan ko, magagalit din sa lalaki.
May service si Iza. Pinapasundo siya ni Papa Lex, o kaya ay si Papa Lex mismo ang naghahatid at sumusundo sa kaniya. May pagkakataon naman na isinasabay siya ni Ivez. Ako, may sarili akong oras. Pumapasok muna ako sa office bago ako magtungo sa school.
Si Ivez, ang full time professor. Ako, part time lang. Biglaan kaya nabigla rin sila sa aking desisyon.
Pasimple akong nag-text kay Mama Cindy na ako ang maghahatid kay Iza. Huwag na siyang ipasundo.
Masayahin si Miss Inlayo. Panay ang hampas sa aking braso. Panay rin ang tawa, sa kaniyang mga sinasabi. Siya ang nakakatawa at hindi ang kaniyang kinukwento. Corny nga, pero hinayaan ko na lang. Kung iyon lang ang ikasasaya niya, ibigay na rito.
Habang nakangiti si Miss Inlayo ay nagmamaktol pa rin si Iza. Dahil ba sa hindi ko ibinigay ang gusto niya kanina?
Pati kalokohan nilang magkakatropa ay gusto rin nitong ipagawa sa akin. Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya sa akin.
Pumikit si Iza, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sawayin si Miss Inlayo na huwag mag-ingay. Iminustra ko ang aking kamay at sinabing huwag maingay. Itinuro ko pa si Iza sa likuran.
Mabuti at sumunod naman itong si Miss Inlayo. Wala rin naman ako sa mood na magsalita nang magsalita.
“Prof, doon di ba ang Subdivision ninyo? Lumagpas na tayo. ‘Di ba, magkakalapit lang kayo ng bahay ng mga pinsan ninyo?” Ang alam sa school ay kamag-anak namin si Iza. Ganoon naman ang treatment sa kaniya ng aming pamilya. Simula nung baby pa siya, hindi na iba ang trato sa kaniya. Mas lalo pa siyang minahal at naging baby ng lahat noong maulila siyang lubos. Si Mama Cindy at Papa Lex ang kaniyang legal guardian.
“Oo, isama na natin siya. Masisira ang tulog niya. Hindi rin naman ako magtatagal doon. Kaya okay lang na isama natin siya.” Turan ko kay Miss Inlayo. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit kailangan namin ihatid agad si Iza? Kung bawal ang may kasama, pwede naman na si Miss Inlayo na lang ang bumaba at uuwi na lang kami. “Bawal ba raw ang may kasama?”
“May inuman kasi Prof. Estudyante pa siya at naka-uniform. Hindi ma-i-de-deny na student siya.” Dagdag paliwanag pa ni Miss Inlayo.
“Kapag pupunta roon, ibig sabihin ba ay mag-iinom? Eighteen na si Iza, legal age na siya." Sagot ko rito. Parang ayaw niya talagang isama si Iza. Kung alak lang ang usapan, pinapatikim na si Isa ng mga kapatid ko at mga pinsan ko. Ginagawa naman namin ito kapag may okasyon. Pinapayagan naman kami ni Mama Cindy. O pwedeng pumapayag lang dahil kami ang mga kasama.
“Galit ka ba, Prof? Sinasabi ko lang naman ang opinion ko. Isa pa naka-uniform kasi siya at baka makasira sa image ng school.”
Napatingin ako sa rear view mirror. Nag-angat na ng kaniyang ulo si Iza. Gising na siya.
Nagtama ang mga paningin namin. At mabilis niya akong inirapan.
Yumukoi to at maya-maya ay tumingin na naman sa salamin. Nagtamang muli ang aming mga mata. May ini-spray siya sa kaniyang bibig. Kumalat din ang amoy nito. Amoy mouthwash.
“Excuse me po, ako po ba ang pinag-uusapan po ninyo? Wala po akong balak sumama sa lakad ninyo. Hindi ko po alam kung bakit ako pinasabay ng Mama ko kay Kuya Doz? Pwede naman na akong bumaba at sasakya na lang po sa taxi.” Hindi siya natutulog. Nakikinig siya sa usapan namin.
“Ihahatid lang natin si Miss Inlayo, at uuwi na rin tayo.” Sagot ko kay Isa na kanina pa may toyo.
“Um-attend ka na, Prof. Sayang naman at nandoon ka na sa area. Magpakita ka muna sa celebrant.” Biglang nagbago ang himig nito. Kanina ay ayaw niyang kasama si Isa. Pinamumukha niya na hindi ito pwede. O dahil nagsabi si Isa na sasakay na lamang? Hindi pwedeng magbyahe si Iza. Hindi pwede na sa ibang sasakyan siya sasakay. Bakit ko pa hindi pinapunta ang service niya kung pasasakayin ko lang siya sa ibang sasakyan?
Hindi ko na sinagot si Miss Inlayo.
Pagdating namin sa venue, maraming sasakyan na ang nasa parking. Inarkila ang buong place kaya sa bisita niya rin lang ang parking.
“Uuwi na ako.” Malakas na sambit ni Iza. Napatigil ako sa pag-aalis ng seatbelt. Ganoon din si Miss Inlayo.
“Wait Iza,” pigil ko pa sa kaniya.
“Miss Inlayo, mauna ka na pong bumaba. Kailangan lang po namin mag-usap ni Iza.” Napatingin ito sa akin, pilit pa rin ngumiti. Pero nakita ko ang pagtalim niya ng tingin kay Iza. Hindi ko na siya inalalayan sa pagbaba niya.
Pagkabab ani Miss Inlayo ay ini-lock ko ang mga pinto.
“Bababa lang ako saglit at magpapakita sa celebrant –“
Hindi pa ako tapos magsalita ay may sinabi rin agad siya.
“Sasakay na lang ako sa ibang sasakyan.”
“Sandali lang talaga. Anong gusto mo? Bibilhan kita.”
“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. At hindi na ako maniniwala sa iyo. Hindi mo nga magawa ang usapan nating dalawa. Nagsabi ka pa na ako ang mamili ng reward ko, pero wala ka naman ginawa. Ngayon mo ibigay ang reward ko at makakapunta ka sa party. Hindi ako sasakay sa ibang sasakyan.” Hindi pa rin siya tapos sa kaniyang kalokohan. Humihirit pa rin siya.
Walang sabi-sabi akong kumilos.