6

1226 Words
IZA’s POV Halos magmamadali ako sa paliligo at pagbibihis. Tinanghali ako ng gising. Isa lang naman ang dahilan nito – si Kuya Doz. Noon, gusto ko siyang laging makita. Pero ngayon, ayaw ko na siyang makita. Naaalibadbaran ako sa kaniya. Kung ayaw niya, e di ‘wag! Male-late na ako siya pa rin ang naiisip ko. Siya pa rin ang laman ng isipan ko. Sabi ko, ayaw ko siyang makita pero ang pesteng mukha niya, nakapaskil na sa aking isipan yata kaya ayaw mawala. Baka mapraning ako sa kakaisip sa kaniya. Mabuti na lang din at hindi ngayon ang araw na may klase ako sa kaniya. “Anak, Vane, matagal ka pa? Dalian mo at mahuhuli ka na. Kakain ka pa.” “Mama, babaunin ko na lang po,” nilakasan ko ang boses ko. Nakita ko ang paggalaw ng knob kaya lang ay naka-lock ito kaya hindi makapasok si Mama. Maririnig naman niya ako sa labas dahil hindi naman soundproof itong room tulad ng ibang room dito sa bahay. “Dalian mo na at naghihintay na ang sasakyan mo.” Wika pa ni Mama. Naglagay ako ng liptint. Pwede na ngayong College ako. Noon ngang high school ay pasimple kong ginagawa ito para maging kissable ang aking lips. Hindi naman ito mabubura dahil wala naman hahalik sa akin. Dapat kasi hindi na ako nanonood ng mga love story na may kissing scene. Tuloy iyon ang naiisip ko lagi. Mas lalo pa akong tumagal dahil sa pag-aayos ko. “Ma, nasaan na po si Papa?” Nakasukbit na ang aking bag ay may bitbit na naman akong libro para sa subject ko naman sa araw na ito. “Nakaalis na ang Papa Lex mo. May lakad sila ni Kuya Dax at may bibisitahin silang project. Kaya ibinilin ka na lang niya sa Kuya Doz mo. Maaga raw ang pasok niya sa school ngayon dahil may meeting. Kaya dalian mo na anak. Kanina pa siya naghihintay sa iyo.” Sagot sa akin ni Mama Cindy. Totoo ba ito? Sinabi ko na kahapon na hindi na ako sasakay sa kotse niya. Bakit ngayon, doon na naman ako sasakay? Paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi kami okay ni Kuya Doz? Na magkagalit kaming dalawa. “Anak, kilos na. Nakakahiya naman sa School Director ninyo na pinaghihintay siya.” Kung hindi lang talaga masamang sumagot sa matanda, baka nakasagot na ako kay Mama Cindy. “At saka isa pa, anak. Ang bilin ni Mama, nag-aral mabuti. Wala munang boyfriend.” Ayan na naman siya. Bawal na naman. Dalaga na naman ako. “Bye, Ma. Kailangan ko na pong pumasok. Hindi po ako makakaalis kung patuloy po ang paalala. Kabisado ko na po iyan, Mama.” Humalik na ako rito at nagmadali na akong lumabas ng bahay. “Anak, nandito pa ang Kuya Doz mo. Bakit lalabas ka na sa gate?” Habol ako ni Mama. Bakit kasi ipinasok pa niya ang kotse niya kung nagmamadali? “Ow, nasa loob pa po pala. Male-late na po kasi ako, Mama. Matagal pa po yata siya.” Gusto ko na lumabas para makatawag na ako ng taxi. Ano kakainin ko agad ang sinabi ko kahapon? “Anak, sumakay ka na.” Nasa may tabi si Mama ng sasakyan at siya pa ang nagbukas ng pintuan ng kotse. Paano ako nito makakatakas. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay rito. “Mag-ingat kayong dalawa. Sige na at tanghali na.” pahabol pa ni Mama, bago isara ang pinto ng kotse. “Ayaw ko talagang sumakay rito. At mas lalong ayaw kong umupo malapit sa iyo. Itigil mo na ang sasakyan at bababa na ako. Wala na naman makakakita na nagbyahe lang ako. Hindi ko kayang makasama ka sa iisang lugar.” Naiinis talaga ako sa kaniya. Ewan ko ba, dati ang sweet naman namin at wala kaming relasyon. Pero ngayon, ayaw ko na sa kaniya. Bigla itong nagpreno at muntikan pa akong mauntog dahil hindi ko pa naikakabit ang seatbelt. “Makakababa ka na!” walang kagatol gatol na wika nito sa akin. “Anong sinabi mo?” tanong ko pa sa kaniya. “Gusto mong bumaba? Ayaw mong sumakay na sa sasakyan ko, e di huwag. Ayan, bumaba ka na! Sayang ang oras, may naghihintay sa akin sa school.” Tumingin pa siya sa kaniyang relo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pinapababa niya ako. Ano magsasaya siya kapag bumaba ako? “Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako bababa. Male-late na ako.” Wika ko sa kaniya. Ako lang ba ang masisira ang araw? Dapat kaming dalawa. Mainis siyang lalo o magalit siya. “Ano? Akala ko may meeting ka?” Umandar na ito at dinig ko pa ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga. Nagagalit ba siya? E di magalit siya. Sa ganitong paraan ay makaganti naman ako sa kaniya. Ako nga inis na inis sa kanilang dalawa ni Miss Inlayo kahapon. Dapat ganoon din ang maramdaman niya. Wala dapat magsaya sa aming dalawa, hangga’t hindi niya ako hinahalikan. Mabilis akong bumaba sa kaniyang sasakyan pagkadating namin sa parking area. Nakita ko agad ang tropa ko. Nag fist bump pa kami ng mga ito. Naisip ko, si Jabin lang naman din ang pinaka may hitsura sa mga tropa ko. Bakit hindi ko kaya siya bigyan ng pagkakataon? Magsasabi lang muna ako kay Mama Cindy. Baka payagan na niya ako, nasa legal age na ako at second year College na rin naman ako. Baka pwede na subukan. Hindi ko kasi ipinaglalaban kay Mama Cindy. Lagi kasi akong sumasang-ayon sa sinasabi niya. Subukan ko lang. Kinuha ni Jabin ang libro ko. Ibinigay ko naman sa kaniya na nakangiti. “Aba! Mukhang may nangyayari na hindi namin alam, ah!” kantiyaw ni Eugene. Malakas ang pagkakasabi nito. Hindi ko alam kung saan dumaan si Kuya Doz. Bahala na siya sa kaniyang buhay. Pipilitin kong kalimutan na siya lalo na ang nararamdaman ko sa kaniya. Maraming lalaki pa naman. May iba pang gustong manligaw sa akin. Pero dito na lang ako muna kay Jabin. Kilala ko na rin naman siya. Kung sa mabait, mabait ito. Kahit nga binasted ko, hindi siya nagalit sa akin. Nanatili pa rin kaming magkaibigan. “Wala ka sa labasan, please shut your mouth!” ang nasa likuran namin ang sinabihan nito at mabilis kami nitong nilagpasan. “Lagot ka na naman kay Sir Martin. Mas lalo na ngayon, siya na ang school director. Mas lalong magiging mainit sa atin iyan.” Kalat na pala ang balita. Alam na ng mga tropa ko. Siguro ito ang pinag-uusapan nila sa GC namin kagabi kaya maingay. Hindi ko naman sila inintindi. Inilagay ko na lang sa silent mode ang phone ko. Okay naman ang first subject namin. Ang susunod na ay ang Filipino subject namin. Si Kuya Ivez ang prof namin. Wala akong problema kay Kuya Ivez. Hindi naman niya ako pinag-iinitan sa klase. Kahit ang tropa ko, wala rin silang problema. Pagpasok namin sa classroom ay bumungad agad sa amin si Kuya Doz? Anong ginagawa niya rito? Nasa amin agad ang paningin niya. Tulad kanina si Jabin pa rin ang kasabay ko. Sinasanay ko ang sarili ko na kalapit ito. At ngayon, nakahawak pa ako sa braso niya. Pumasok ako sa classroom na hindi ko siya binati. Pero ang tropa ko, binati naman siya. Kahit na napagalitan pa si Eugene kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD