7

1122 Words
IZA’s POV Nasaan kaya si Kuya Ivez? Bakit si Kuya Doz ang nandito? Mainit na naman ang ulo at ang mga tropa ko ang pinag-iinitan na naman niya. Kasama rin pala ako. Block section kami, kaya kilala pa rin ni Kuya Doz ang buong klase. Kung si Kuya Ivez ang nagtuturo ngayon, masaya sana. Magaling magturo si Kuya Ivez dahil talagang passion niya ang pagtuturo. Ginagawa niyang madali at exciting ang bawat topic kaya looking forward kami sa kaniya. Katulad kanina, masaya kami habang papasok dahil nagrereview pa kami. Ang kagandahan pa, may papremyo si Kuya Ivez. Kaya naman sino ang hindi gaganahan na pumasok sa klase niya? Kapag si Kuya Doz ang prof namin, maririnig ko talaga ang mga takot at angalan lalo na sa mga lalaki. Pero kapag babae at maganda, nakangiti siya. Maganda rin ako, pero ako lang hindi niya nginingitian. Baka nasobrahan naman kasi ako sa ganda. Bata pa lang ako noon, siya na ang tutor ko, si Kuya Ivez. Ginagawa niyang madali ang lahat para sa akin. Nakabantay lang din si Kuya Doz. Kaya kapag wala si Kuya Ivez, siya ang pumapalit. Lagi siyang nasa paligid ko noon at okay naman kami. Masaya lagi. Ewan ko ba at bigla talaga ang pagbabago sa kaniya. Wala naman akong sinabing pangit na salita sa kaniya para lagi na niya ako sungitan at dedmahin. “Sana pala hindi na lang tayo pumasok kung wala si Sir Ivez.” Bulong ni Eugene. Ito talaga ang puro kalokohan sa amin. Mabait naman siya kaya lang minsan ay bad influence rin. Hindi ko naman ito masisisi dahil kakaiba nga naman ang ginagawa sa amin ni Kuya Doz. Palitan ang ginagawa nitong pagtawag sa amin ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung kami lang ang nakikita niya. May contest kaming tropa. Hanggang sa hindi na masagot ang mga sumunod niyang tanong. Pinatayo niya sa harapan ng klase kapag hindi nakasagot. Isa-isa na ang tropa ko na hindi makasagot. Kami ni Jabin na lamang ang hindi pa nakakatayo sa harapan. Hanggang sa tawagin na nga niya si Jabin at mapatayo na rin sa harapan. Ako ang tinawag niya at sakto naman na tumunog na ang bell. Tapos na ang aming klase. Nag-alisan na ang tropa ko sa harapan. “Who said you could leave? Stay there.” Baling niya sa tropa ko. Wala naman kaming susunod nak lase dahil vacant period namin after nito. “Bye, guys! I’ll wait for you outside. Sa ating tambayan.” Paalam ko sa kanila. Nakaalis na ang mga kaklase namin at kami na lang ang mga natira kasama si Kuya Doz. “Isa ka pa! Pumunta ka sa opisina ko at doon kita kakausapin.” Madiin nitong utos sa akin. Hindi ko siya masagot dahil may mga ibang nakaharap sa amin. Kung marami akong sinasabi sa kaniya, kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. Siya si Kuya Doz, kaya ganoon ako. Pero sa harapan ng mga tropa ko, hindi ko pwedeng gawin ang ganoon kay Kuya Doz. Hindi na lang siya basta professor dito, siya na ang bagong School Director at dapat igalang. Lumabas ako ng classroom at nagtungo na ako sa opisina niya. Sandali! Doon pa ba ang office niya? Pwede siguro. Baka hindi pa siya nakakalipat sa bago. Ano naman kaya ang gagawin niya sa mga tropa? May remedial classes na rin sila. Another remedial classes pa ba? Pagpasok ko sa opisina ay sobrang lamig. Iniwan na bukas ang aircon kaya napayakap ako sa sarili ko. Bagay sa kaniya ang lamig nito dahil lagi na lang mainit ang kaniyang ulo. Naupo ako sa upuan na sa harapan ng kaniyang mesa. Wala naman akong makitang mga papel sa mesa niya. Malinis na malinis ito, parang si Kuya Doz. Ayaw niya ng makalat. Siyang-siya talaga. Lagi niya akong sinasabihan kapag napakakalat ko. “Iza baby, pag-aralan mong linisin ang mga kalat mo. Huwag mo laging iasa kay Mama Cindy.” Lagi niya iyon litanya sa akin, pero siya naman ang gumagawa. Kahit sa pagkain, makalat ako. Siya pa nagpupunas sa aking mukha kapag may dumi, o sobrang catsup sa gilid ng bibig ko. Kaya baby niya talaga ako, dahil lagi siyang nand’yan sa tabi ko. Nagising na lang ako isang umaga, gusto kong maranasan na mahalikan. At isa lang ang gusto kong gumawa no’n sa akin. Si Kuya Doz lang. Pero kung kailan ko gusto iyon, saka siya umiwas. Nag-iba ang trato niya sa akin. Akala ko kahapon, makakaisa ako sa kaniya. Mas lalo lang akong nasaktan at pakiramdam ko, may harang na sa aming dalawa. Naiinip na ako rito. Inaantok ako sa lamig ng aircon. Baka hindi naman siya talaga pupunta rito. Wala rito ang gamit niya. Nagpasya akong mahiga sa sofa. Inaantok ako dahil umaga na ako nakatulog at siya ang dahilan niyon. Nagngingitngit ako kagabi kaya hindi ako makatulog. “Iza baby,” nakita ko siyang titig na titig sa akin. Magkalapit ang aming mukha. Hindi ko maiwasan na bumaba ang aking paningin sa kaniyang mga labi. Ang pupula nito at kaysarap hagkan, hindi naman kanipisan at hindi rin makapal ang kaniyang mga labi. Ganoon din siya sa akin. Bumababa rin ang tingin niya sa mga labi ko. “Kuya Doz,” sambit ko rin sa pangalan niya. Bakit ba niya binanggit ang pangalan ko? Ano ba ang sasabihin niya? Kanina pa ako naghihintay sa kaniya rito sa opisina niya. Nakatulugan ko na ang paghihintay. At ngayon na ginising niya ako, anong sasabihin niya? Papagalitan ba niya ako? Pero pagkakataon ko na ito. Napatulala na rin siya sa akin. Nakahiga pa rin ako sa sofa at nakaluhod naman siya kaya ngayon ay magkalapit ang aming mga labi. Pinagmasdan ba niya ako, habang ako ay natutulog? Pagkakataon ko na ito kaya iniyakap ko na sa kanyang batok ang aking mga braso. Hindi na siya makakawala pa. Napalunok pa siya, habang palitan niyang tinitingnan ang aking mga mata at mga labi. Ako na ang nauna sa paghalik sa kaniya. Hinila ko ang batok niya at medyo iniangat ko rin ang aking ulo para mag-abot ang aming mga labi. Naglapat ang mga labi namin at ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na nanggagaling sa ilong niya. Inisip ko pa kung paano ang gagawin kapag magkalapat na ang mga labi. Ibinuka ko ang bibig ko at saka ko hinalikan ang bibig niya. Ang alam ko ay may dila pang lumabas. Pero pareho kasing bumukas ang mga bibig nung nasa movie. Nakita kong nagsalubong ang mga dila nila. Paano ko sasabihin kay Kuya Doz na mali ang ginagawa naming halikan? Na kailangan niyang ibuka ang bibig niya at ilabas ang dila niya. Ayaw kong tumigil din sa ginagawa ko. Kung susundan niya ako, magagawa namin ang katulad nung pinanood ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD