DOZ’S POV May kasama na ang baby ko kaya nagpasya rin akong umuwi na sa bahay. Hindi ganoon kalinaw ang naririnig ko pero natutuwa siya na ikuwento sa kaniyang kaibigan ang tungkol kay Mr. Jamaliel. Bakit pabago-bago siya ng kaniyang isipan? Sabi niya hindi na siya magpapaligaw, pero iba naman ang sinasabi niya sa kaibigan niya. Nandito nga ako sa bahay, hindi ko naman siya makausap. Hindi ko na rin siya masosolo. Sa bahay na lang muna ako. Doon makakapahinga pa ako at mayroon akong damit doon. Nanlalagkit na rin ang boxers ko at gawa it oni Iza. Madaling araw akong umuwi sa bahay. Katulong lang ang nakapansin sa akin. Tulog na ang mga kapatid ko. Dumiretso ako sa aking silid at sa bathroom ang tungo ko. Inalis ko ang lahat kong suot at nagpunta ako sa ilalim ng shower. Sana lahat

