IZA’s POV Nagising ako sa sunod-sunod na katok. Tila ayaw magpatulog. Napatingin ako sa orasan at nakita kong tanghali na. “Matagal nga ba ang tulog ko?” napatanong pa ako sa sarili ko. Hindi matagal kundi umaga na talaga ako nakatulog. Dahil alanganin na ang kain ko, naalala ko pa ang ginawa namin ni Kuya Doz sa kitchen. Paulit-ulit kong naiisip kapag nakapikit ako pero ayaw naman akong dalawin ng antok. Kung kailan umaga na at kailangan nang bumangon, saka naman ako nakatulog. Wala na naman kumatok sa aking kwarto. Naniwala si Kuya Doz na may kasama ako rito. “Vane, tanghali na! Hindi ka pa raw kumakain simula kaninang breakfast.” Boses n ani Mama Cindy iyon. Ang aga pa, nandito na sila. Ang alam ko ay hapon pa sila uuwi. Napilitan na talaga akong bumangon. Kay Mama Cindy, hindi p

