IZA’s POV Once a week ang PE subject namin. Noong mga nakaraang linggo ay puro lecture lamang. Ngayon ay actual demonstration at bibigyan kami ng grades ni Ma’am Buya. Swimming ang PE namin sa sem na ito. Naabutan ko pa sa locker room ang mga classmates ko. Siyempre magkahiwalay ang locker room ng mga lalaki at sa mga babae. Ang ilan ay nakabihis na at ang iba ay naghihintay pa dahil may tao pa sa mga cubicle. Mahaba pa naman ang time. Bitbit na ng iba ang kanilang towel. May nakasukbit sa balikat para takpan ang nasa harapan nila at mayroon naman na overconfident tulad ng grupo nina Aileen. Edi sila na. Kakalabas lang ni Ping mula sa cubicle. “Kanina ka pa?” tanong nito sa akin. Kaya pala wala ang mga kaibigan kong babae dahil sila ang nasa cubicle. Akala ko ay nakabihis na sila at

