IZA’s POV “Ibaba mo ako!” sigaw ko pa rin. Ume-echo ang boses ko sa pinagdalhan niya sa akin. Hindi ko pa naiikot ang buong campus. Kung wala naman kinalaman sa mga subject ko, hindi ako pupunta. Kaya itong pinuntahan namin ay hindi ko alam kung saan. Abala ako sa kapapalag at iniisip ko ang hitsura ng mga taong iniwan ko. Ano na lang ang sasabihin nila sa amin? Saan ba talaga ito? “Kanina ka pa nakababa, baby,” sagot niya sa akin habang nasa harapan ko siya. Nakababa na pala ako pero nakakulong naman ako sa mga braso niya habang nakasandal ako dito sa pader. Ramdam ko pa ang lamig sa aking likuran. “Palabasin mo na ako, Kuya Doz! Hinihintay nila ako.” Gusto ko na siyang itulak para makaraan ako at makalabas kung saan mang silid ito. Maraming gamit ang nandito pero hindi naman muk

