IZA’s POV Tama ba ang naiisip ko na puntahan si Kuya Doz sa opisina niya? Kailangan ko siyang kausapin. Mahirap na ganito kami. Kanina, natanong na ako ng mga tropa ko. Isa na si Jabin, na bumubulong-bulong sa akin. “May problema ba kayo ni Sir Director? Kahit papaano ay pinapansin ka naman niya dati. Pero kanina, parang wala lang o dahil abala siya sa kaniyang kasama?” Nagkibit balikat lang ako sa kaniya. Problema ba ang ginawa ko kagabi? Kasalanan ko iyon kinukulit ko siya. Kung sabihin ko sa kaniya na ibabalik ko na ang kiss niya? Papayag kaya siya? Ibabalik ko sa kaniya at para magawa iyon, magkikiss ulit kami. Para wala na siyang ikagalit sa akin. “Bakit ka tumatawa? Tinanong lang naman kita kung may problema kayo.” Mabuti at tumawa lang ako. Hindi ko naibulalas ang nasa isip

