DARRYL "Arnel, sa canteen tayo. 'Wag ka ng bumili nang pagkain." Tumayo ako, saka ko dinampot ang aking cellphone. "Okay po, sir. Nasa canteen na rin po ngayon si Miss Cruz." Tumango na lamang ako sa naging tugon nito. Kanina pa rin nito naipaalam sa akin na bumaba si Miss Cruz sa canteen upang magtanghalian ayon na rin kay Mrs. Lim nang tumawag ito kanina kay Arnel. At nang malaman ko iyon ay naisip kong dumiretso na lamang sa canteen at doon na rin lamang kumain upang makita ko ang dalaga. Hindi ko na rin nagawa pang harapin o makausap ang mag-asawang Lim nang dumating ang mga ito dahil kasalukuyan akong nasa loob nang conference room sa hospital dahil sa isang pagpupulong. "Darryl!" sigaw mula sa aking likuran, kaya't napahinto ako sa paglalakad. Napakunot ang aking mga kilay nang

