"Hoy! Bihira ka na naming makita at makasama, ah. Kilala mo pa ba kami?" bungad sa akin ni Aira kasabay nang marahan nitong paghampas sa aking balikat. Nagdesisyon akong bumaba na muna at kumain dito sa canteen dahil dumating sina Mr. and Mrs. Lim upang samahan si Miss Monica at maglaan ng oras para sa anak. Natapos ko na rin naman ang trabaho ko kaya malaya akong nakababa at may oras akong gawin ang bagay na ito. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Dr. Nuñez dahil alam kong busy ito ngayon, lalo na't hindi ko rin ito nakita kanina sa opisina nito paglabas ko nang elevator, maging si Kuya Arnel. Nasa loob ng opisin nito ang elevator papunta sa 10'th floor kung saan nananatili si Miss Monica. Ayon na rin kay Kuya Arnel ay pribado ang floor na iyon para kay Dr. Nuñez at walang ibang nakakaa

