ONE YEAR LATER MARICIEL "Ano? Ready ka na ba sa pag-uwi mo sa Pilipinas?" tanong ni Aljune nang muli na itong makabalik sa silid naming mag-iina habang dala ang dalawang bote ng dede para sa aking kambal. Ngumiti ako saka ako bahagyang tumango. "Oo, pero ano ka ba? Babalik pa naman uli kami rito, kasi may trabaho rin akong dapat balikan. Isa pa, mas masaya na ako rito, kaya gusto kong dito na lang din palakahin ang mga anak ko. Uuwi lang ako sa Pilipinas para makita at makausap ang mga magulang ko." Marahan itong bumuntong hininga. "Okay, susuportahan ko ang lahat ng plano mo, hindi na ako mag-uusisa pa." Naupo ito sa gilid ng kama at isinubo na ang mga dede sa aking mga anak. "Sige na, mag-ready ka na rin. Maliligo lang ako. Mas mabuti ng tayo ang maghintay sa airport kaysa ang baliw

