"Happy Birthday, B1 and B2!" masiglang bati nina Aira at Aljune sa aking mga anak. Habang si Mama Aimee naman ay inis na inis sa patuloy pa ring pagtawag ng mga ito ng B1 at B2 sa aking mga anak. Dama ko ang labis na kasiyahan sa mga sandaling ito habang nakatingin sa aking mga anak. Isang taon na ang mga ito, hindi ko na rin inasaan na makakaya ko pang lagpasan ang mga pagsubok na dumating sa akin noon. Gusto ko ng sumuko, ngunit dahil sa aking mga kaibigan lalo na kay Aljune ay nakaya ko at muli kong nalagpasan. At ngayon, ay patuloy akong lalaban sa hamon ng buhay para sa aking mga anak. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang isang kamay na umakbay sa aking balikat. At napangiti na lamang ako nang makita ko si Mama Aimee na nakatayo sa aking tabi at may malapad na ngiting na

