DARRYL "Wala ka pa rin bang alam kung bakit naka-leave si Miss Gonzalez at kung saan s'ya pumunta?" tanong ko kay Arnel habang nasa kaligtnaan ng biyahe papuntang hospital. Ngayon pa lamang ako uli makakabalik sa hospital dahil katatapos lamang din ng meeting ko sa kumpanya kasama ang mga stockholder. "Wala pa rin po, sir. Ayon po sa management ay nagkaroon daw po ng emergency sa pamilya ni Miss Gonzalez kaya biglaan ang paghingi ng leave. Pero—" Mabilis akong napalingon dito nang maramdaman kong tila may pag-aalinlangan itong nararamdaman. "But what?" kunot-noo kong tanong. "Narinig ko po mismo kay Miss Castro habang kausap ang boyfriend n'ya na lumabas daw po ng bansa si Miss Gonzalez." Napatiim ang aking mga bagang sa impormasyong sinabi nito. At sa puntong iyon ay walang ibang pu

