CHAPTER 54

2131 Words

"Sir, naghihintay na po si inyo si Mr. Nuñez. Nandon na rin po ang mga stock holder." Imporma ni Arnel bago pa man ako tuluyang makasakay ng kotse. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na rin sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Kadarating ko pa lamang dito sa Switzerland kagabi at trabaho agad ang bumungad sa akin dahil sa problema sa kumpanya. Kahit gusto kong puntahan ngayong araw ang address ni Mariciel na ibinigay ni Clinton ay hindi ko magawa dahil kailangan ko rin munang unahin ang kumpanya. Hindi ko rin magawang tuluyang pabayaan si Dad sa kumpanya, lalo na't mas lalo lamang lumalala ngayon ang problema. PAGDATING ko sa kumpanya ay agad na ring sumalubong sa akin ang sekretarya ni Dad na kapwang pilipino rin tulad ng ibang mga empleyado rito. "Good morning po, Sir Nuñez.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD