DARRYL "Sir, tumawag po ang secretary ni Mr. Lim. Nasa hospital na raw po sila. Naihanda ko na rin po ang kotse." Tumango ako kay Arnel at agad na ring lumabas ng mansyon. "Any update from Joey?" tanong ko nang tuluyan na akong makasakay sa kotse. Tumingin sa akin si Arnel mula sa rear-view mirror kasabay nang pag usad nang sasakyan. "Yes, sir," tugon nito, "Pumasok na raw po sa hospital si Miss Cruz." Mabilis akong napalingon dito. "What? Is she fully recovered?" nagtataka kong tanong, lalo na't sa pagkakaalam ko ay hindi pa gaanong naghihilom ang sugat na tinamo ng dalaga, kaya't mahigpit kong ipinagbilin kay Dr. Mendez na sabihin sa dalaga na huwag na munang pumasok sa trabaho at hindi kailangang magdumali. Subalit sa narinig ko ngayon mula Arnel ay tila hindi nakinig ang dalaga o

