PAGDATING ko sa hospital kinabukasan ay agad na hinanap ng aking sistema ang presensya ng dalaga. Lihim akong tumitingin sa paligid at nagbabakasali na makita ko ito. Subalit hindi ko ito nakita hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa elevator. Hindi ko maintindihan kung bakit para bang nakakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ko ito nakita. "Sir, nag message po si Mr. Lim. Nasa opisina n'yo na raw po sila," turan ni Arnel nang makasara na ang elevator. Walang ideya ang lahat ng mga empleyado dito tungkol sa pamilyang Lim. Sa dahilan nang pagpunta sa akin ng mga ito. At sa halip na sa mismong hospital kumontak at kay Arnel dumidirekta ang mga ito upang maiwasan na may iba pang makaalam. Tumango ako. "Okay. What about Miss Cruz? Dumating na ba s'ya?" tanong ko, na tila bahagya nam

