MAHIGIT isang linggo na ring naka-confine ang aking mga anak dito sa hospital. At sa loob ng isang linggong iyon ay medyo bumubuti na rin ang kalagayan ng mga ito na labis ko namang ikinatutuwa. At ayon na rin kay Dra. Dublin ay maaari na rin kaming makalabas sa susunod na linggo kung lalo pang magpapatuloy ang paggaling ng mga ito. “May balita ka na ba, Ciel, sa mga magulang mo?” tanong ni Aira na umagaw sa aking pansin habang abala ako sa pagpapalit ng damit sa aking mga anak katulong si Manang Tess. Day-off ngayon ni Aira at sa halip na magpahinga ito ay mas pinili na lamang nitong samahan ako at tulungan sa aking mga anak. Ilang araw rin ang lumipas bago ako nito muling kinausap mula nang magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan dahil sa ginawa kong paglilihim sa mga ito, maging si Alj

