“Ciel, kumain ka na muna. Maghapon ka ng hindi kumakain. Halos dalawang linggo ka na rin ganyan. Wala ka na ba talagang pakialam sa sarili mo? Kahit ang mga anak mo hindi mo na rin naiisip na kumustahin man lang. Ganyan ka na lang ba?” turan ni Aljune na tila may halong panenermon. Hindi ako kumibo at nananatili lamang nakahiga. At sa muling pagkakataon ay muli na naman tumulo ang aking mga luha. Mga luha na hindi na maubos-ubos sa kakaagos. Simula nang araw na sinabi sa akin ng mga ito na wala na si Darryl, pakiramdam ko’y para na rin akong walang buhay o isang buhay na patay at humihinga na lamang para mabuhay. At mas gusto ko na lamang ang mag-isa at hayaan ang sariling umiyak ng sa ganoon ay mabawasan ang bigat at sakit na aking nararamdaman sa aking puso. Subalit sa tuwing gagawin k

