CHAPTER 74

2201 Words

Ciel, kumusta ka na?” bungad sa akin ni Aira habang nakatayo ito sa b****a ng kusina. Bumisita ito ngayon dahil day off nito. BInitiwan ko ang isang basong tubig na tangka ko sanang iinumin at humarap ako rito saka ako tipid na ngumiti. “Okay lang naman ako, Aira. ‘Wag ka ng mag-alala. Alam kong nag-aalala ka sa akin ngayon, pero okay lang talaga ako.” Lumapit ito sa akin saka ako hinawakan sa kamay. “Ciel, hindi mo naman kailangang itanggi, eh. ‘Tsaka kahit pilit mong itanggi sa amin, hindi pa rin maitatago ng mga mata mo ang totoo mong nararamdaman. At alam kong hindi ka okay ngayon. Isa pa, kaya rin ako pumunta rito para kumustahin ka at maglaan ng oras sa ‘yo, para naman kahit papaano o kahit saglit makalimutan mo ‘yang problema mo.” Tipid akong ngumiti at marahang bumuntong hininga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD