"Handa ka na ba?" tanong ni Aljune mula sa aking likuran. Hindi ko magawang humakbang papasok sa loob ng hospital dahil sa takot na nararamdaman. Sa takot na makaharap ko ang mga magulang nito at muli na naman akong ipagtabuyan at pagbawalang makalapit kay Darryl, tulad na lamang nang araw na iyon. Ang araw na sinalo nito ang balang dapat ay sa akin tatama. FLASHBACK “D-Darryl,” nauutal kong turan nang maramdaman ko ang bahagya nitong pag-igtad. “D-Dugo— may— may d-dugo! May dugo ka, Darryl!” “A-Are you okay?” sa halip ay tanong nitona tila nahihirapan. Hindi ako agad nakaimik at sandaling napatulala, dahil waring hindi agad maproseso ng aking isip ang mga nangyari. Biglang binundol ng matinding takot ang buo kong pagkatao nang tuluyan ko nang napagtanato ang mga bagay-bagay. Ito ang t

