HABANG nasa daan pabalik ng Manila ay hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko ay may nangyari at hindi lamang sinasabi sa akin ni Darryl ang dahilan kung bakit biglaan ang aming pagbalik sa Manila, na dapat ay bukas pa. Kapansin-pansin din ang pagbabago ng mood ni Darryl mula nang makatanggap ito ng tawag mula kay Kuya Arnel. Gusto ko sana itong tanungin upang malaman ang dahilan ngunit hindi ko naman magawa dahil agad akong pinangungunahan ng hiya at takot. Takot sa bagay na hindi ko matukoy kung para saan at ano ang dahilan. Marahan akong bumuntong hining at itinuon na lamang ang aking pansin sa aming mga nadadaanan. Bahagya akong napaiktad nang maramdaman ko ang paghawak ni Darryl sa aking kamay, kaya't agad akong napalingon dito. Sumalubong sa akin ang mga mata nitong nababalot ng mga em

