DARRYL "How is Miss Lim?" tanong ko kay Agent Ocampo nang mabungaran ko ito sa aking opisina habang seryosong nakaupo sa couch at hawak ang cellphone. "She is fine. Sobrang kulit at malapit-lapit ko na ring maigapos sa kama n'ya." Saka ito nag-angat ng tingin at binitiwan ang cellphone. Napatawa na lamang habang napapailing. "What about her nurse? Si Miss Cruz?" "What do you mean? Kinukumusta mo s'ya sa anong dahilan?" sa hali ay tanong din nito na may tinging nanunuri. "Of course ang trabaho n'ya. Ayaw ko ng nagpapabayasa sa trabaho habang wala ako." Tumalikod ako at kumuha ng wine. "Okay naman s'ya sa trabaho. Medyo tahimik lang, kabaliktaran ng pasyente mo. Pero wala s'ya kahapon. Nag-leave raw ng dalawang araw, sabi ni Agent Arnel. Eh, ikaw? Kailan mo babalikan ang pasyente mo?"

