DARRYL “Sir, nakausap ko na po sina Agent Ocampo at Detective Oxford. Papunta na raw po sila rito. And 8 PM po ang lapag ng eroplanong sinasakyan nila. Ayon din po pala kay Director Oxford ay nasa Shadow Organization na rin po ang pamilya ni Mr. Lucio.” Imporma ni Arnel, saka nito inilapag sa aking harapan ang iba ko pang mga gamit ko na pinamili nito. Tatlong linggong mahigit na rin kami rito sa Japan ngunit hindi pa namin matagpuan ang eksaktong lugar na pinagtataguan ni Mr. Lucio. Ilang mga lugar na rin ang pinagtataguan nito na pinuntahan namin, ngunit sa lahat ng mga lugar na iyon ay hindi na namin ito natatagpuan o naaabutan dahil agad nakakatakas. Kaya sa pagkakataong ito ay sinisigurado kong hindi na nito magagawa pang tumakas pag nalaman nitong hawak ko ang pamilya nito. Tumang

