“Kumusta ka naman sa bago mong pasyente?” tanong ni Aljune habang nasa biyahe kami papuntang hospital. Araw-araw ganito kami ni Aljune, hinahatid at sundo ako nito sa trabaho. At kung hindi naman ako nito masusundo ay ito na rin mismo ang tumatawag ng taxi para sa akin, para lamang na masiguradong safe akong makakauwi ng bahay. At kung may overtime naman ako, sinusundo ako nito at hindi hinahayaan na sumakay sa taxi. Lumingon ako rito. “Okay naman s’ya. Mabait naman s’yang bata. Pero alam mo ba, naawa ako sa kanya.” Marahan akong bumuntong hininga at muling tumingin sa daan. “What do you mean?” nagtatakang tanong ni Aljune. “Para bang sabik s’ya sa pagmamahal ng isang ina. Madalas ko kasing maobserbahan na para bang gusto n’ya palaging maagaw ang atensyon ko sa tuwing magiging abala ak

