"Anak, kumusta na si Allonah?" tanong ni Mom nang makauwi ako sa mansyon. Marahan akong bumuntong hininga at tila pagod na pagod ang pakiramdam na naupo sa couch. "Where is Disney?" sa halip ay tanong ko at inilibot ang aking paningin. "Ayon, nakatulog na lang 'yang anak mo kakahintay sa 'yo." Bumutong hininga ito. "Naaawa na ako sa apo ko, Darryl. Gabi-gabi na lang n'yang hinahanap si Allonah." Muli akong bumuntong hininga at tumingin kay Mom. "H-Hindi pa s'ya nagkakamalay. At katatapos lang uli ng pangalawa n'yang operasyon." Marahang bumuntong hininga si Mama na mababakas pa sa itsura nito ang labis na pag-aalala para kay Allonah. Mabait si Mom pagdating kay Allonah kahit pa sabihing hindi rin ganoong kalapit ang dalawa pero may ilang bagay rin namang pinagkakasunduan, hindi katulad

