DARRYL ISANG BUWAN na mahigit ang lumipas nang huling makita ko si Mariciel. Iyon ang araw na tuluyan ko ng tinapos ang ano mang mayroon sa amin dalawa alang-alang sa aking mga anak. Aaminin kong takot ang aking naramdaman nang araw na iyon. Takot sa kabila ng sakit na bumabalot sa aking puso dahil nasaktan ko ito. At takot na baka nga tuluyan na itong lumayo at hindi ko na makita pang muli. Napabuntong hininga ako at malakas na hinampas ang ibabaw ng aking lamesa. Sa loob ng isang buwang iyon ay halos wala ng magandang nangyari sa buhay ko at halos hindi na rin ako makapagpokus sa trabaho. Maging ang aking anak na si Disney ay hindi ko na rin magawa pang puntahan upang makita ito at mayakap, dahil sa tuwing tatangkain ko iyon ay agad akong nakakaramdam ng karuwagan dahil bigla kong na

