DONNA "D'yos ko, Aljune— ihinto mo! May— May b-babae! B-Bumagsak 'yong babae— D'yos ko!" natatarantang turan ni Aira habang sunod-sunod nitong hinahampas ang balikat ni Aljune. "Fvck!" mura ni Aljune na tila natataranta sa ginagawa ni Aira. "Stop it! Ano ba!? Mababangga tayo n'yan, eh." Inihinto ni Aljune ang kotse sa gilid ng kalsada. At nang makababa kami ay ganoon na lamang ang gulat namin nang makilala namin ang babaeng bumagsak sa lupa at kasalukuyang walang malay." "S-Si C-Ciel— D'yos ko!" sigaw ni Aira, saka ito mabilis na lumapit kay Mariciel. "Aljune, ano ba? Buhatin mo, Ciel, 'wag kang tumunganga lang d'yan." Bigla namang natauhan si Aljune at agad nitong binuhat si Mariciel. Mabilis kong binuksan ang pinto sa likuran ng driver seat para kay Mariciel, ngunit bago pa man ito

