MARICIEL Napabalikwas ako ng gising nang maramdaman ko ang sikat nang araw na tumatama sa aking mukha. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita kong alas nuebe na ng umaga. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa banyo. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay bigla akong natigilan nang makita ko ang ilang damit na panlalake. Malakas akong napasinghap nang biglang pumasok sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Ang mga naging tagpo sa pagitan namin ni Dr. Dunez. "Oh my God! Ano'ng ginawa ko? Bakit pumasok sa isip ko ang gan'ong bagay? Bakit ko hinayaan? D'yos ko, Mariciel, nasaan ang utak mo— bwisit ka!" puno ng inis kong turan habang sinasabunutan ko ang aking sarili. Dala nang inis at hiyang nararamdaman ay hindi ko alam kung paano ko haharapin o kung paano ako hahara

