"Dr. Nuñ–––" Agad akong napahinto nang bigla ako nitong hinalikan sa labi. "Darryl. It's Darryl, baby. Call me Darryl pagtayong dalawa lang. Tulad nang pagtawag mo sa akin kagabi habang ipinararamdam ko sa 'yo ang sarap at kaligayahang dapat mong maramdaman at maranasan." Sunod-sunod akong napalunok at agad napaiwas nang tingin dito dahil sa mga salitang pinakawalan nito. Agad namang sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito, pagkatapos ay muli akong dinampian ng magaang halik sa labi. "You're so cute." Sabay buhat nito sa akin nang pa-bridal, na agad ko namang ikinatili dahil sa gulat. Damang-dama ko sa aking kalooban ang kilig sa mga oras na ito. Ngunit ang kilig na iyon ay naaagaw pa rin ng pangamba, lalo na't hindi ko alam o hindi malinaw sa akin ang lahat. Ang lahat nang ginagaw

