"Good morning, Ciel!" bati ni Lyn nang makasalubong ko ito sa hallway papuntang OPD. Nagdesisyon na rin akong pumasok ngayong araw, dahil para bang mas lalo lamang bumibigat ang nararamdaman kong lungkot sa aking dibdib sa tuwing mapag-iisa ako. Ngumiti ako at bahagyang tumango. "Good morning." "Welcome back nga pala! Sa wakas magkakasama na uli tayo sa ER," turan nito na bigla namang ikinakunot ng aking mga kilay at nagtatakang tumitig dito. Welcome back? Sa ER? Ano'ng ibig sabihin? Inilipat na uli ako sa ER? Bakit hindi ko alam. Wala akong alam. "A-Ano'ng ibig mong sabihin, Lyn?" naguguluhan kong tanong. Ngunit hindi pa man ito muling nakakasagot ay biglang dumating ang head nurse namin sa ER. "Ano— okay ka na ba, Miss Cruz?" tanong ng head nurse namin, na mas lalo ko lamang ipinag

