"Ano'ng balita sa bata?" tanong ko kay Arnel nang makarating kami sa hospital. "Mabilis daw po ang recovery sabi ni Agent Ocampo. At pag nagtuloy-tuloy raw po ang pagbuti ng kalagayan ng bata ay maaari na rin daw pong umuwi sa bahay." Kinuha nito ang cellphone at iniabot sa akin. "May ipinadala rin pong ilang mga kuha si Agent Ocampo." Tiningnan ko ang ilang mga larawang nasa cellphone nito. At ganoon na lamang ang biglang pagkabog ng aking dibdib nang makita ko ang dalawang batang magkahawig na magkahawig. Isang batang lalake ang nakaupo sa tabi ni baby Marseille habang naglalaro sa ibabaw ng hospital bed na kasalukuyang kinaroonan nito. Hindi ako puwedeng magkamali, sila nga ang mga batang nakita ko noon sa loob ng kotse habang nakaparada sa gasoline station noong araw na papunta ako

